KARGA
Hi mga mommies, totoo ba na masasanay ang baby pag lagi siyang kinakarga everytime na umiiyak siya? If so, anong gagawin para patahanin siya instead na kargahin lalo na kung bagong dede and bagong palit naman ang diaper niya?
Nung first 3 months talagang kinakarga namin baby ko, sabi nila masasanay, pero sabi namin okay lang kesa naman kargahin kapag mabigat na.. Pero noong nag 4 months and 5, gusto na nakahiga.. Gusto tadyak ng tadyak at gusto dapa ng dapa.. Hindi naman po totoo or baka depende sa bata.. every week May new self discovery ang baby..
Đọc thêmFor me wala naman masama kung lagi mo karga si baby, di naman sila magpapakarga the whole day. And may benefit un sa development nila. Kesa ung tiisin mo siya na umiyak ng umiyak dahil sa takot na masanay sa karga. Sayo siya mommy nakakakuha ng comfort, medyo clingy pa sila and adjusting period nila yan kaya support mo lang 💕
Đọc thêmHindi naman ibig sabihin na kapag nagpapa karga ang baby eh dahil gusto nya lang. Nagpapakarga ang baby kasi gusto nya yung may nararamdaman syang init sa katawan or skin to skin contact. Remember 9 months sya naka dikit sayo. Di pa sila sanay to be on their own
Tingin ko po okay lang na masanay siya kasi ngseseek siya ng comfort and security nyan bat nman siya idedeprive. Phase nmn po yan once they pass that stage ok na. Tsaka bilis lumaki ng mga babies mamimiss nyo rin yung time na nakakarga natin sila.
for me wla naman pong masama sa pag karga lagi ang baby mabuti nga po samantalahin dahil di nmn forever sila baby at pag lumaki n di na yan magpapakarga pa sayo.kya po sya naiyak kasi may kailangan po sayo si baby
alam nio hndi nman sa inispoiled nio c baby sa kakarga lalo nat new born sia kya pnay iyak yan kc nagaadjust pa yn sa outside world at ang mrinig nia ang heartbeat mi ay un pdin ang way nia pra mlaman ang care mo
ok lang naman po masanay na karga si baby, mabilis kasi silang lunaki, magugulat na lang tayo ayaw na nilang pakarga kaya sulitin na natin ang moments na to :(
If bagong dede need mo po talaga kargahin at idapa sa iyo para mag burp. Try mo ihele sa duyan or tapikin baka sakaling tumahan.check mo rin tyan baka may kabag.
Ok lang naman siguro yun kasi baby pa, di naman magtatagal at lalaki din sya. Hahanap hanapin mo din na binubuhat at kino-comfort mo ang baby mo.
ok lang po yan kase pag sila natuto na maglakad hindi na yan magpapakarga ikaw na ang magpipilit na kargahin sila para hindi sila maglikot