Random
Mga mommies, sino po sainyo ang hindi okay ang relationship sa mother-in-law? Hindi kasi kami okay ng MIL ko. Akala ko okay kami noong andun ako sakanila nung buntis pa ako. Akala ko okay ako sakanila nung time na magboyfriend palang kami ng anak nya. Pero hindi nya pala ako tanggap una palang daw. Ano mararamdaman mo pag narinig mo yun? Share naman po kayo ng mga ginawa nyu or naging reaksyon nyu. Maraming salamat.
Di din kami ok ng MIL ko pero civil kami. Nagbbless pa din ako pag nandito sya sa bahay kahit ramdam kong ayaw nya sakin. Kung ayaw nya bahala sya. Wala na akong paki. D ko nga ramdam na masaya syang magkakaapo sya samin ng anak nya eh. Dati d pa kami kasal excited sya gusto pa kambal, sya daw mag aalaga. Pero ngayong kasal na kami hostile na sya. Actually pati SIL ko di din kami ok. Yun di ko na talaga punapansin. Ah paminsan pala pag nandito sya nagpapaalam ako pag aalis kami ng asawa ko. Pero cold sya. Sakanya mas lalo akong walang paki. Kahit ayaw nila sakin at sa baby ko wala akong paki kasi sigurado namang maraming magmamahal sa baby ko kahit wala sila. Sinabihan pa nga ako ng SIL ko ,"do you think hahawakan ko anak mo na diperensyosa ka?" Nagulat ako parang tanga wala nga ako ginagawa sakanya..naging mabuti naman pakikitungo ko noon. Praning lang talaga sya. Nakarating pa sakin na ang sabi ni SIL masama daw loob sakin kasi di ko pinapansin, parang gago..sya yung unang di namansin at chin up at maldita pa lagi pag pumupunta dito sa tinitirhan namin ng asawa ko. Sabi pa bat daw di ako pinagsasabihan ng asawa ko. Kapal ng mukha. Paimportante masyado. Ay sorry momsh na carried away ako. Hehe! Anyway, dedma mo na lang sila😅 importante maayos pagsasama nyo ng asawa mo.
Đọc thêmSiguro kung ganyan situation ko sa MIL ko, iintindihin ko na lang sis. Syempre masakit na hindi pala tayo gusto ng magulang o pamilya ng taong mahal natin, but we also have to keep in mind na those people, they loved our hubby bago pa man natin natutunan mahalin siya, and natural lang na maging cynical sila sa atin. I'll just show them na lang na mali sila ng pagkakakilala sakin and na they can trust me and that my decisions will always be for the best of our family. It's sad when I read comments like "idc, kasi di naman sila pakikisamahan ko" or "di naman sila pinakasalan ko" yes, pero family sila ng taong mahal mo, mahal sila ng taong pinili mong mahalin, sila unang nagalaga sa kanya, sila unang nagmahal sa kanya, at least respect natin yun diba? Hindi pagpapaka plastic yung pakisamahan yung taong di mo gusto or di ka gusto, tawag dun maturity. Tanggapin na lang natin na hindi lahat magugustuhan tayo, that's life. Just keep an open mind, be clear about your boundaries, be respectful, be humble, eventually marerealize din nila na mali sila for doubting your worth.
Đọc thêmHi Sis. Hindi ko pa na experienced yung situation mu but i know how u feel. For me,it would really be a big deal if ayaw skin ng mga inlaws ko. Ang hirap kasi kumilos pag mi ayaw or kumukontra sa relasyun nyu most especially family. Kadalasan isa yan sa mga sanhi kung bakit naghihiwalay ang mga mg asawa. But if i were you, kahit ayaw sayo ng inlaws mu continue to show them reasons kng bakit mhal ka ng asawa mu. Show them respect kahit anu pa sabihin nila sau most especially if u and ur husband's family are on the same roof. Treat them kindly and show them how much u love ur family and ur willing to sacrifice ur relationship with them kahit ayaw nila sau pra sa pamilya mu. Afterall if ur doing wat u tink is ryt for ur family kahit anu kpa nila ka hindi gstu,dey can never changed the fact na NANAY ka ng apo nila at ASAWA ka ng anak nila. Someday kng kaya nyu na ni hubby mg bukod on ur own leave. So that ur can live life peacefully. :)
Đọc thêmwe can't please everyone sis. sa unang baby namin nung LIP ko.. tinawagan ako ng mother niya sabihan ba naman ako na fdi nya pa kayang pakawalan anak niya kung gusto ko daw pagkapanganak ko, sknila ang baby bahala akong magwork para sa sarili ko. pero di ako nagpatalo, eto 6 yrs old na panganay namin at 33 weeks preggy. magkasama kami ngaun sa iisang bahay, kung kibuin nya man ako o hindi .. okay lang sken.. kung kausapin man edi syempre kakausapin ko din .. but not to the point na kwentuhan ba, tungkol lang sa gawaing bahay mga ganon. lagi akong sa kwarti .. ayoko kasi makipag usap sa taong alam kong umpisa palang ayaw na sken.. ganyan talaga sis.. makakapili tayo ng makakasama sa buhay/ asawa pero byenan hindi. :) cheer up
Đọc thêmganyan din sakin sis..lalo na ngaun hindi ko pa namimit mga in laws ko pero ung SIL ko namit ko na..ayun plastik!pnatira namin d2 ni hubby ung kapatid nyang girl nung umalis na d2 sa bhay sabay blocked ba naman ako sa fb!!nyare??wala nmn ako maalalang ginawang hindi mgnda sa babaeng un!kaimbyerna talaga plastik pala! den last tym narinig ko kausap ni hubby mama nya..e nka loudspeaker narinig ko ba naman pnapipili sya kung ako daw ba o kapatid nya?kainis yung mga ganyan parang makitid ang mga utak..kung ayaw nila satin sis wala tau mggwa..accept na lng ntin ang mahalaga lab tayo ng hubby nten at tayo ang pnili nila namahalin kaya hayaan mo sila!😊
Đọc thêmSame here momsh. Di din kami ok ng MIL ko. Ok naman kami dati, close kami nong magbf-gf pa lang kami ni hubby. Madalas nga namin pagtulungan ang bf ko noon na hubby ko na ngayon. Kaso before wedding nagpagulo yung abnormal nyang ate na akala ko ok din kami yun pala andaming hanash. Plastic pala. Lahat na lang binigyan ng negative meaning actions ko, salita lahat. Tas binrainwash nya pa si MIL. Syempre mas matimbang yun kasi anak nya so ayon. Civil na lang kami ngayon. Naiilang na nga ako. Minsan naiinis ako pero madalas naaawa ako sa MIL ko kasi pag tinotopak yung SIL ko na old maid, eh pinagbubuntunan si MIL. Hay hirap pag di ok sa in laws.
Đọc thêmNo one can please everybody and sabi nga nila pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Don't be hard on yourself and lose your self confidence just because hindi ka gusto ng mother-in-law mo. As long as mahal ka naman and di kayo pinapabayaan ng hubby then it's all good. Just prove to her na mali siya ng judgement sa'yo. Show her that you are the bigger person sainyong dalawa and itodo mo yung kabaitan mo sakanya. Soon she'll realize na mali yung ganong attitude niya. Focus on your own family momsh, don't let other people distract you from being the best mom and wife you could ever be. Pray 🙏❤
Đọc thêmoo sis napakahirap ng ganun, pag kaharap ka parang ok naman... yun pala plastikan... nafeel ko yan sis..buti nalang at yung asawa ko pinaglaban ako kahit may nasasabi sakin kahit mga auntie din nya lalo pa kung yung klase ng trabaho mo hindi nila tanggap... mahalaga mahal ka ng asawa mo, magbukod nalang kayo sis... naranasan ko yan akala ko bukal sa loob nila alagaan apo nila dahil may trabaho ako... yun pla may sinasabi sa kapitbahay against sakin... Magsarili kayo ng asawa mo at kausapin mo sya ng maayos kase dyan mo malalaman kung sino na ang mas mahalaga sa kanya ngayon..
Đọc thêmOkay lang. Feelings are mutual. If ayaw ka, edi wag mo din pong gustuhin. Ibigay niyo lang po pabalik kung ano rin yung pakikisama na binibigay niya sa inyo. You don't need to please her para magustuhan ka. Anak naman niya pakikisamahan mo, and besides, may mother ka rin naman po. Di mo kailangang magustuhan niya kasi mother mo pa lang, sapat na.😘 MIL ko mabait naman sakin pag kaharap ako pero tsini-tsismis ako pag nakatalikod. Haha, okay. If di ka gusto, wag mo ring gustuhin. Pero wag pa rin po kakalimutan ang respeto.😊
Đọc thêmAt first hindi kmi in good terms ng Mil ko. And mga tita ni hubby. To the point na pinapahiya nila ko sa harapan ng maraming tao. Pero bilang nirerespeto ko sila nkikisama padn ako kht ano sbhin and gawin nila sakin para iwan ko si hubby. Now okay na okay nakami. Nakuha kona ung approval nila. Mahirap sila iplease pero di ako sumuko. Para na dn kay hubby and sa anak ko. Naging close pa ko sa family nia, and mas naging tight relation nmin ni hubby. Now masaya kmi ni hubby and mgkaka 2nd baby na dn 😍
Đọc thêm