20 Các câu trả lời

VIP Member

Madali lang manganak sis. Mahirap at masakit ang labor. Tips: Mag-ipon ka ng lakas. If antok ka matulog ka. Kain ka ng healthy. Magpalakas ka para pagdumating yung time na kelangan mo maglabor readying ready ka. Be active. Kahit kabuwanan mo na if di naman high risk ang pregnancy mo, linis linis ka din ng bahay. Galaw galaw ka para yung katawan mo mastretch din. Mas madali manganak pagphysically active ka. Magdasal. Lagi ka magdadasal kase yan kelangang kelangan naten lalo na ngayon. Trust your OB. Dahil first time mom tayo madame tayong di alam kaya give your full trust sa OB mo para mas maging madali din ang process ng panganganak. Di ko alam if madali ba talaga manganak o dahil lang nakapainless din ako kaya easying easy lang saken lahat. Pero ang never ko makakalimutan, when i was in labor, grabe ansakit sakit. Pero nung ipapasok na ko sa DR, after i prayed, kahit wala pang painless... nawala lahat ng sakit at feeling ko kakayanin ko lahat.

VIP Member

Ftm. Aug. 24 ako nanganak sa akin naman 6hrs ako nag labor sobrang sakit. Ang ginawa sa akin is painless na ni inject sa IV line ko. Nakatulog na ako sa delivery room after 3doses ang na tandaan ko lang is 2:30am dinala na ako sa delivery room kc in pain na tlaga ako 3times ako ni inject nun.kasi namimilipit na ako sa sakit!.. nagka conscious na ako around 3:45am nasa stretcher na ako pabalik sa room ko. Sabi ni nurse nakalabas na daw si baby. Hnd ko mn lang namalayan. akala ko ni CS ako feeling hilong-hilo ako parang lasing after. Hnd ko mn lang na tandaan paano naka labas si baby hnd ako umire pero meron ako cut. Huhu 😭yun yung masakit sa akin until now 😭

FTM din po ako. 37 to 39weeks lagi na ako naglalakad, morning and sa hapon dito lang samin ako lang mag isa haha. Mahilig din ako manuod sa youtube ng Labor and Delivery vlog ng mga Vlogger Mommies, doon ko natutunan kung paano umire haha. Masakit din nung nanganak ako lalo labor pero after na non ok na, isang ire lang din ako sa baby ko buti na lang hindi ako pinahirapan ni baby hehe.

VIP Member

Ako po pag sumasakit di ko iniinda ang ginagawa ko pag sumasakit mas lalo akong taimtim na nagdadasal awa ng dyos 30 minutes lang ako naglabor at mabilis lang din lumabas si baby hindi ko din naramdaman na tinatahi na pala ako kasi may anethesia na inenject sakin sabi nga ng OB ko sakin para lang daw akong tumae kasi ang bilis lang daw 2.39 po si baby at normal delivery po

sa ist baby ko 7 yrs ago. 30 minutes labor lng anak agad. ang ginawa ko lng. pag tuntong ng 8months ☆walking pero hindi everyday. ☆squat pag gabi hindi rin rin every night nagagawa. ☆ inom ng salabat every night. ☆naglalaba din paminsan-minsan. ☆folic acid lng vit ko din that time. healthy nman si baby paglabas 3.2kg

VIP Member

FTM ako, pero instead na matakot nag think positive ako at lagi kong sinasaisip na exvited ako 😊21 hours akong naglabor kakapnganak ko lang nung 3:45 am ng august 27, sobrang sakit ng oaglalabor pero pag nailabas mo na si baby parang lahat ng sakit ng paglalabor mawawala un . iindahin mo lang talaga ang tahi gaya ko 😊

Healthy diet. Ska stop prenatal vitamins at anmum nung going 8months na ako. 37W2D 2.7kgs lang baby ko. Squats 50times every morning nung 36W4D ko. And hnd ko inistress sarili ko nun if kelan lalabas baby ko. Sbi ko sknya take her time no need to rush sguro mas excited sya hahaha saka pala brown rice nung 3rd trimester na.

Ok lang po ba na sa isang araw isang beses ka lang din mag rarice? Haha. kinakabahan ako baka mahirapan ako e.

Yung ka-work ko before, yung lugar ng bahay nila eh pababa tapos hagdan. Medyo mataas yung inaakyat baba niya araw-araw papunta ng work. Ayun, natagtag, isang irehan lang daw niya yung baby niya, wala pa atang 1 day yung labor niya. Sobrang bilis lang daw niya nanganak, masakit lang maglabor daw.

VIP Member

Masakit naman talaga. Ang sakit galing sa balakang at puson yung birthing mismo is easy lalo na pag nakinig ka sa instruction ng ob mo kung kelan ka iiri at kelan ka mag relax slowly. Yung labor ang mahirap na part yung delivery nakakaginhawa

Same with you mommy, FTM din po ako. I'm currently 33weeks and nasa 2.1kg na si baby, goal namin ng OB ko is maging 2.5 lang si baby or pataas.. basta hindi lang po lumagpas ng 3kg para smooth lang po panganganak. Goodluck satin!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan