Hi mga mommies! Sana basahin nyo po ito :) wala kasi akong mapaglabasan ng mga thoughts eh.
Ganito po kasi, first time mommy po ako. I got pregnant months after I graduated. 23 na po ako. March this year, I gave birth to a baby girl :) Gustong gusto ko na po kasi magwork eh. Para syempre sa baby ko. Para may sarili kaming panggastos. Sa ngayon po, we're staying sa bahay namin kasama partner ko which is currently reviewing for his board exam. Kasi ayoko po sana umasa palagi sa bigay ng family ko and sa family nya eh. Tsaka more than one year na po ako nasa bahay lang. Bagot na bagot na po ako. Although I cherish every moment bonding with my baby pero alam nyo po yung feeling na, gusto mo lumipad? Gusto mo abutin pangarap mo pero hindi mo magawa kasi may inaalagaan kang baby. Oo, alam ko naman na may time para doon. Medyo nanghihinayang na po kasi ako sa mga panahon na nasayang eh. Madami na po kasing job offers sakin, sobrang dami ko na pong pinalagpas. Nagtatampo din ako sa partner ko kasi ayaw nya ko payagan na magwork kasi nagrereview daw sya. Hindi nya daw kaya mag-alaga mag-isa pero sa totoo lang di naman talaga sya nagrereview. Puro sya mobile games :( Gusto ko rin po kasi makapag-ipon para sa first birthday ng baby ko eh. And surprise party ko po para rin sa father ko. Magkabirthday kasi sila :)
Ano po bang pwede kong gawin? Kasi purely breastfed po si baby. Tinry ko po iformula pero nagtatae sya. Hindi din sya sanay sa bottle. Kaka-6 months pa lang po nya eh. Natry ko na din pong mag-online selling pero sa dami ng competitors sobrang nahirapan din ako. Ano po ginawa nyo kay baby para matuto uminom sa bote? And pano po gagawin para magmix feed na sya para makapagwork na po ako.
THANK YOU SO MUCH PO NGA MOMMIES. GOD BLESS