Home Fetal Doppler

Mga mommies, Safe po ba gumamit ng doppler na nabibili sa shopee at lazada? Wala naman po bang side effect sa baby? lagi po kasi ako napapaisip kaya gsto ko sana bumili. btw 18 weeks preggy n po ako. maririnig na po ba hb ni baby sa doppler? thank you! #firsttimemom

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Actually iba iba yung studies regarding home fetal dopplers. Merong nagsasabi na safe, may nasasabi na hindi, and sabi ng ibang studies, there's no enough studies daw if safe or not kaya US FDA is not recommending to use one. I'll warn you lang din. Hindi ganon kabilis mahanap yung hb ni baby sa home fetal doppler. Lalo kung chubby ka, makapal ang fats. As in sobrang mahirap that it may cause panic sayo. 2nd marami kang madedetect like your own, your placenta, and if di ka talaga guided by pros, mahirap malaman kung ano don yung kay baby. 3rd, pag malaki na si baby, 20wks up, maya't maya pwede mo na sya maramdaman kaya hindi mo maiisip mag fetal doppler. Pag di naman sya gumagalaw and naisipan mo mag doppler at hindi mo makita yung hb, grabe yung panic at takot na madudulot sayo, I swear. My OB didn't recommend one. Pero nagka covid kasi ko and I bought two dopplers para to monitor sana while naka isolate . Pero di ko alam kung di lang ba parehong working ng maayos yung nabili ko, magkaibang brand sila and magkaiba pinagbilhan, kasi di ko talaga mahanap hb. Buti nalang malikot si baby kaya less worries din talaga.

Đọc thêm
2y trước

thank you po! kso ung inunan po kasi is anterior kaya worried po ako na up to now hndi kopa nrramdaman si baby. kaya super worried po ako minsan.

Sabi Po ng ob ko ok din nmn dw Po ung sa shopee qng marunong Po kaung gumamit. pero aq Po sa monthly check up na lng Doppler pra mkatipid na din. maskampante ho kse aq qng si ob Ang mag check. pero since 18 weeks na Po kau ilang weeks na lng nmn maramdaman nyo na Po galaw ni baby so mkakampante Po kau na ok si baby. prang 19 or 20 weeks ramdam ko na si baby pitik2 na galaw. den ngaun 21 weeks malikot na sya parang may nkatok sa tummy ko. pero may mga days na mga once or twice ko lng sya ramdam.

Đọc thêm

safe nman po yan bastat wag lang daw tagalan pag ginagamit kasi maingay daw yan sa loob sabi ni ob. nabubulabog daw si baby. ako once a day lang gmagamit nyan then pag 7 months above na, more on stethoscope nlang gnagamit ko. madali lang makilala ang heart beat ni baby. ang skanya ay yung mabilis. 120-160 in 1 min ang normal, habang satin nman ay 60-100 lang. kaya pag binilang mo at mabilis, more likely na kay baby yan.

Đọc thêm

Hello mommy 11 weeks ako bmli akong home fetal doppler natirinig kona po heartbeat ni baby. Nung una akala kopo heartbeat nia, sa akin pala. Then na search ko online double daw ang hb n baby. Ilang try po bago ko na differentiate ung sakn tsaka kay baby. Prng gsto ko kasi minsan icheck, kasi ung 1st baby ko miscarriage may anxiety po ako hehe.

Đọc thêm

ako po lagi ako ginagamit nyan ok naman po bby ko nung nagpa cas ako then nung nagpa 4d ultrasound ako alam ko naman wlang connect pero mukang walang side effect kay bby ang paggamit ko ng fetal doppler araw araw minsan panga mayat maya then nung una kong narinig HB ni bby kosa fetal doppler around 15weekx un

Đọc thêm

Mga 11 weeks nung narinig ko heartbeat ni baby gamit ang fetal doppler. Every other day ko sya ginagamit nung 11 up to 16 weeks. Tapos nung 17 weeks bihira ko nalang gamitin kasi naramdaman ko na yung sipa ni baby😁

ako po 11weeks palang nagamit na ng doppler, bukas 18weeks na ako. lagi ko minomonitor yung hb ni baby lalo na pag super duper stress ako. okay na okay naman may doppler mi.

yes safe naman po sya as per my OB din.. been using doppler since 1st trimester and now on my 27th week, mas naririnig ko na nang malakas heartbeat ni baby ☺️

yes safe po sya gumagamit ako doppler since my first trimester till now na 26 weeks na ko🥰

Thành viên VIP

Safe po as per my Ob. Gumamit po kami lagi ng doppler nung preggy ako, ok naman po si baby