SSS and Philhealth records
Hello mga mommies! Question lang po. I got married last May 2020. Hindi ko pa naaayos ang records ko sa SSS and Philhealth like pag-update ng name ko and ng status ko (working mom po ako) kasi ang plan ko originally is iuupdate ko na lang siya once lumabas si baby para isasabay ko na ang pag-add sa kanila ni Hubby as dependent ko. Sa hospital records na ginawa sakin netong nagpacheck-up ako, sila na ang nagdecide na ang name ko ay ginamit na nila yung apelyido ng asawa ko. Dahil daw kasal na ko dapat yun na ang gamitin ko (tho alam ko is may batas na ngayon na choice na nating mga babae kung gagamitin nating ang surname ng mga Hubby natin o hindi) sinabi ko rin non sa hospital na hindi ko muna sana iuupdate o gagamitin ang surname ni hubby dahil nga hindi pa updated ang SSS ko at Philhealth. Pero ipinilit pa rin nila ang gusto nila. Baka meron sainyo mga mommies na nakaexperience na ng ganto, sa hospital is surname na ni hubby nyo ang gamit nyo pero sa SSS at Philhealth nyo e yung maiden names niyo pa rin ang gmit niyo. Hope you can give me ideas. Thank you in advance mga mommies!!