Estimated na binigay na presyo ni OB, less na po ba doon ang PhilHealth?

Hello mga mommies! Question lang and I hope someone can answer me. Nagtanong po kami sa OB ko if how much magagastos for our baby delivery this coming January. Ang sabi nia po 80-100k for normal and 150k for CS. Bawas na po ba sa price range na binigay niya ang philhealth benefits ko? Salamat po.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Medyo mahal po ah.. Ako po kz nanganak via Cs sa private hospital,.. 55k po nagastos ko awas npo Philhealth, then c baby ko nman po 17k kz need po nia saksakan ng antibiotics.. Bale s 55k ko 35k fee ni ob 20k sa hospital bill ko,.. 😊 Bale 72k po lahat nagastos nmin sa panganganak ko at thanks God🙏 safe nman kmi ni baby ko👶💙

Đọc thêm
2y trước

D2 po bulacan sa Bmmg po 😊

Thành viên VIP

Almost ganyan din price saken via scheduled cs. Nag ask kamo kami kay ob 70k to 80k - (hospital lang) 30k+ mga professional fee. Naka private executive room ako kasi wala ng available na iba pang room. Prepare ka ng 140k to 150k nasa 110k inabot ng hospital bill ko bawas na philhealth doon.

tinanong mo sana mi if prof. fee yang binanggit niya na value. kasi hiwalay ung prof. fee sa ibang bayarin sa hospital kapag siya ung magpapa anak sayo. walang kaltas dun si philhealth. hospital bills lang ang may kaltas ang philhealth kung sakali.

Đọc thêm
2y trước

salamat po. per my OB kasama na po doon whole team, hospitalization, and private room. Hindi ko lang po na-ask if ibabawas pa po don amg philhealth. 😁

sana po na ask nio dn sa ob nio kng bawas naba ang phelth. kami sa totoo lang di ko xpect na ma emergency cs ako. kz pnplt tlaga amin i normal. kht 9cm na q d sya nalabas kaya na cs aq. almost 100k pero nabawas na un 20k so nasa 80k bayad nmin...

2y trước

Hello po, ask ko lang, bakit po kayo na emergency Cs sa case niyo po?

ako din po nung buntis ako ang price na cnabi skn ni OB for CS ko is 70t080k bwas na philheath dun msyadong mahal kya sa public na lng ako nanganak CS din wla kmi binayaran at ok nman safe nman kmi mg ina.

di pa po bawas yan. procedure pa lang po. wala pa ang prof fee. pag magpaestimate isama nyo po sa tanong yung prod fee ni OB pati po kung makakausap nyo yung mapipili nyong pedia ni baby kasi iba rin pf nun...

2y trước

As per my OB kasama na po doon whole team, hospitalization, and private room. Hindi ko lang po na-ask if ibabawas pa po don amg philhealth. 😁

Ask mo kung package na yan kung kasama na pati Anesthesiologist at Pedia sa presyo na yan... usually hindi pa bawas ang Philhealth dyan sa sinabi ni OB Pero para makasigurado ka tanungin mo siya ulit

Kung ganyan po yung price, mukhang hindi pa po ata deducted ang philhealth dyan. Sa commonwealth hospital po ang normal 50-60k, cs 80-100k pero mga 20k daw po ang bawas dun ng philhealth.

mommy kung may chance ka pa na makalipat ng hospital try mo sa Cure and Care Maternity Hospital sa Hermosa St Tondo Manila.. Nasa 40k NSD total payment namin less na philhealth.

normal delivery, and overall nabayad sa hospital here in Cebu is 80k. deduct na yung philhealth na 3k lang ata. 🤣 dont expect too much sa philhealth.