7 Các câu trả lời

Maraming paraan para mapa-tahan ang umiiyak na sanggol. Narito ang ilang mga tip: • Yakapin at pakalmahin ang sanggol. Ang pagyakap at pag-aalo sa sanggol ay maaaring makatulong na mapakalma siya. • Pakainin ang sanggol. Ang gutom ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-iyak ng sanggol. • Palitan ang diaper ng sanggol. Ang maruming diaper ay maaaring maging sanhi ng pag-iyak ng sanggol. • I-burp ang sanggol. Ang pag-burp sa sanggol ay makakatulong na mailabas ang hangin sa kanyang tiyan. • Pasiglahin ang sanggol. Ang paglalaro, pagkanta, o pag-uusap sa sanggol ay maaaring makatulong na mapakalma siya. • I-rock ang sanggol. Ang pag-rock o pag-ugoy sa sanggol ay maaaring makatulong na mapakalma siya. • Ilagay ang sanggol sa isang tahimik at madilim na lugar. Ang ingay at liwanag ay maaaring mag-istorbo sa sanggol. • Bigyan ang sanggol ng isang pacifier. Ang pag-suso sa pacifier ay maaaring makatulong na mapakalma ang sanggol.

VIP Member

Para mapatigil ang iyak ng baby, siguraduhing nabibigay ang kanyang pangunahing pangangailangan tulad ng gutom, uhaw, at pagcheck sa lampin/diaper. Subukan din dahan-dahang pag-alog, pagpapatugtog ng magandang musika o white noise, at mahigpit na pagkakayakap. Maaari ring makatulong ang paglabas sa sariwang hangin o pagbabago ng kapaligiran.

ako kinakausap ko lang siya na para siyang nakakaintindi. hindi ako nagbe-baby talk. tapos sabay gentle na tapik sa kanya. di ko siya sinasanay sa buhat kasi unless kailangan nya na talaga. kasi ang mga babies, need nila maramdaman na may kasama sila. marami pa silang di alam at maintindihan. patience is key

Based on our experience kapag umiiyak noon si baby. Maliban sa chini-check muna namin if gutom, naiirita sa diaper or baka nakagat ng kung ano ay nagpapatugtog kami ng Mozart musics habang hiniheli siya ng marahan. Sobrang bilis niya pong tumahan na akala mo walang nangyari. Ganon lang po.😊

VIP Member

Sa akin mommies since breastfeeding kami binibiro ko siya nilalabas ko yung breast ko😅 tapos tatawa nayun pero kapag ayaw padin hinahayaan ko siya na marelease niya ang emotions niya then after 5 or mins lalapit na siya sakin

Hala thank you so much po

alamin muna ang rason bakit umiiyak ang baby. Kung gutom bigyan ng gatas, kung inaantok pwede ihili, kantahan o iduyan, kung naiinitan paliguan o pahanginan, kung gusto ng laro lambingin at bigyan ng oras para makipag bonding.

nasanay po kasi ung baby ko na dpat pag matutulog xia ng morning eh naka kilik at sinasayaw po xia🥴🥴

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan