10 Các câu trả lời
Same sis! 17 weeks nko. Umasa ako sa mga sinabi nila na pag pasok ng 2nd trimester e magiging ok na. Ang hirap. Nakaka depress. Wala akong makasundo na ulam. Tapos pasintabi rin, pero diba parehas lng masakit sa lalamunan pag sumuka ka ng may laman versus sa walang laman. Oo masakit sa chan pag yung bile/sikmura na sinusuka mo, pero pag yung may kinain ka naman at yun ang isinuka mo, grabe rin ang sakit sa lalamunan. Ang pait pait pa pag sumusuka :( inggit na inggit ako sa mga kasabayan ko na buntis na walang kaselan selan sa pagkain. Ang hirap kumain :( tapos ang hirap rin naman na hindi mo pilitin kumain kasi need mo uminom ng vitamins para sainyo ng baby mo, pero maiiyak ka nlng pag maya maya isuka mo lng rin :( yun tipong mapapaisip ka kung tama pa ba sustansya na nakukuha ng baby mo, kasi ikaw mismo pakiramdam mo wala ng sustansya :( puro pag cheer ang mga sinasabi/sinasagot ko nuon dto sa group pero ngayon nakaka depress na. Nabanggit ko sa ob ko ito, magaling naman ob ko. Pero nung sinabi nya saakin na baka hanggang manganak nlng raw ako e ganito parin, susuka parin daw ako, lalo ako napag hinaan ng loob.
Same sis. 11 weeks na din akong pregnant. madalas ang paglalaway ko saka sinisikmura. Wala akong matinong kain. Grabe na din yung binaba ng timbang ko, halos isuka ko din lahat ng kainin ko, maka amoy lang ako ng kanin naduduwal nako, kaya di talaga ako maka kain ng kanin, ganon din sa ibang ulam, gaya ng mga mamantika saka mga ginigisa, sobrang sakit sa sikmura pag naamoy ko. Worried na din ako sa health ng baby ko kung may nutrients paba siyang nakukuha sakin. Halos Energen (Vanilla Flavor) since may follic acid naman din na ingredients saka calcium, saka bread lang kinakain ko.
Ako nga sis kahit isuka pilit pa din ako kumakain maibsan lang ung gutom kahit isuka ko after nalang kain nalang ulit ako kahit fruits nalang.
same tayo ng case. kaso ako may times na puro sweets talaga gusto ko, kaya lang pilit kong tinitigil sweets e bukod sa baka madiabetis, nagiging plema kasi ako hehehehe. maselan tayo mag buntis mommy! ganyan na ganyan din ako sumasakit pa nga ulo ko, tas puro duwal at suka every morning. may case din na nasusuka ako sa evening. Laban lang! makakaraos din tayo.
Makakaraos din tayo jan mommy tiis lang para kay baby!
same dn tau momy pero ask q ob q qng normal lng po ba yan sabi nya stop q dw muna ang iron na vit q kasi kaya tau naduduwal at suka ng suka kc ferous dw ung iron kaya naduduwal tau kaya folic acid lng muna iniinum q try m momy uminom ng anmum bka mkatulog sayo.
Every morning talaga umiinom ako anmum di ako nagpapalagpas jan para rin kay baby. Ung vitamins ko nga din hirap ako inumin kasi lakas ng amoy niya isa pa dahilan kaya ata nasusuka ko kaya pagtapos ko kumuin 30mins minsan o 1hr pa talaga bago ko uminom ng vitamins. Pababain ko man lang. kinain ko.
naranasan ko wala din ako magustuhang pagkain yung tipong parang di nga ko nagugutom,tiis2 lang po muna pag 2nd and 3rd trimester mo na ganado ka na kumain tsaka malakas na din katawan..
same Tayo momsh 15w 6d.pero ako Po nwala yung pagduduwal ko pagtungtong ng 13w. pero gnun pa din po Wala pa dn po gana kumain . gusto ko lng po kainin lagi potato corner fries 😔
Ang hirap nga din po momsh .. need lang talaga natin pilitin kumain momsh kahit kaunti . Lalo na po ako mayat Maya nagugutom 😭..
Also experienced this when i was in my 1st tri. As in hanggang matutulog na lang ako, masusuka pa ako. But when i reached 2nd tri, nawala din sya. Hoping you’ll feel better soon!
Thanks po sana po talaga
Same experience sa akin, pero pagtungtung ko sa 19 weeks at 2 days hindi na gaano :) mawawala din yan mommy.
Try mo po mag anmum momsh .. Kai kong nag annum ako naleless pag ssuka ko. 13 Weeks na po ako
lhenyyy