CS ako nung Sept 10. Nung Aug. 25 nagpaswab ako at check up, breech c baby. So sabi schedule daw ako cs next week, hindi ako pumayag. Isip ko kc iikot pa c baby, lahat ginawa ko. Sabi ko kaya ko to inormal, wait lang ako ng paglelabor pero 39 weeks and 5 days n hindi pa din ako naglelabor. Sept 9, 11:45pm nagising ako kc bigla ako napaihi, pagbangon ko biglang bulwak as in hindi ko napigilan. Naisip ko panubigan na yun, ang tagal ko nakatayo sa banyo, wala akong pain na narmdman kaya kinabahan ako. punta kami ospital pero close daw paanakan nila, grabe pangyayare walang tumanggap agad na ospital sakin. hanggang sa pa 8 na ospital na, inabot na kami ng umaga, 5:23 am, Sept 10 ako nacs.