Tips sa pagba budget
Hello mga mommies, pa advise naman po. Almost 1 year na po kaming kasal ni hubby pero bukod pa din po ang pera namin. Pareho kaming may trabaho at konti lang ang lamang ng sweldo ko sa kanya. Matagal na nya isinu surrender ang sweldo nya pero di ko tinatanggap sa kadahilanan po na nagbbigay pa ako ng sustento sa magulang ko na 1500 kada kinsenas. Nasa 6k po pataas ang sweldo ko kada kinsenas. Ayaw ko po kasing isipin nya na pera nya ang ginagastos ko sa pagbibigay ko sa amin. Wala pa naman po kasi kaming baby noon. Pero ngayon, buntis na po ako at gusto na nya talagang pag isahin ang pera namin. Paano ko po iha handle ang pera namin? Magkano ang ibibigay ko sa kanya? Magkano ang alloted budget para sa sarili kong gastusin? Payuhan nyo po ako. Salamat.