problem

Mga mommies pa advice naman po. Alam ko po simula palang ayaw na sakin ng parents ng asawa ko unang araw palang na dinala ko dito ng asawa ko iba na pakikitungo nila sakin hanggang sa nabuntis ako kinasal kami ng asawa ko ganun parin.dito kami tumira ng asawa ko sa bahay ng parents nya kasi hindi pa kaya tiniis ko lahat ng salita nila kahit palaging nagpupunta dito ex ng asawa ko wala silang narinig sakin. Ngayon po nagkagulo dito sa kanila at nadamay ako. Nagdecide kami mag asawa na bumukod na tutal kaya naman na kaso parang tinatakot sya ng daddy nya na once umalis dito sa kanila hindi na sya pag aaralin or kahit anong tulong kaya biglang nagdalawang isip asawa ko. Ngayon mga mommies lumabas ako sa gate dito nagtataka ako iba pakikitungo sakin ng mga tao yun po pala pinagkalat ng byanan kong babae na nagpabuntis lang ako sa asawa ko at ako pa daw ay mapanakit na tao.. Alam po ng asawa ko lahat ng pagtitiis ko dito sa bahay nila..kaya po desidido na sya na bumukod kami kinaka alarma ko lang mga mommies baka mag kagulo ulit.

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

d nyo po need magstay dyan (kasal man kau o hindi) lalo na magkakapamilya na rin kayo. Pareho tau, d rin ako tanggap ng inlaws ko. kunyareng pakikitungo pero pagtagilid mo pala (d pa nakatalikod ha..) tumitira na. nakabukod na kami pero 5 houses away lang (isang compound lang kc), kaya under surveillance pa rin. kya nga d rin kami makasal ni hubby dahil ayaw nya magalit parents nya ng tuluyan. galit na kc saken nung 1 pa lang anak namin, nung nalaman na eto may bunso na, mas lumala pa ang utak ng ama nya. nagpabuntis lang daw ako para d na makawala anak nya. kaya dapat daw iwan na kami at maghanap sya ng bago for fresh start (dahil lang sa ayaw nya ng ugali ko, may tattoo ako at mas matanda ako sa anak nila).. partida may matino akong trabaho, independent at nakikipagsapalaran na sa buhay pero d pala un pasado sa kanila.. d mo need mag pa alipin dyan sa poder nila lalo na d naman nila kayang maging matinong "second parents" mo.

Đọc thêm

Bumukod na lang po kayo, yung asawa ko po ganyan din sitwasyon namin sa side nya. Ayaw din sakin kasi mas gusto nila yung ex ng asawa ko na nakakatulong sa kanila. Pero yung asawa ko po matigas talaga loob na kahit itakwil daw sya ok lang kasi ayaw daw nya na dinidiktahan sya lalo na sa pakikipagrelasyon. Kaya ayun di kami nakitira sa kanila or samin, nakabukod talaga kami. Tiis at sakripisyo lang po talaga kasi magsisimula kayo sa simula. After ilang years naman po unti unti gumagaan na din loob sakin ng pamilya nya kahit di ganun kaclose, nakakauwi na kami sa kanila. Kasi ang katwiran ko kahit di nila ako gusto wag nya isasara ang pinto sa pamilya nya dahil pamilya nya pa rin yun. Pasalamat na lang din po ako sa asawa ko pinanindigan nya ako at the same time nakinig sya sakin na makipagayos sa pamilya nya. Time at patience lang po, unti unti nyo lang po.

Đọc thêm

Solusyon lang talaga jan momsh is bumukod. Di matatapos yan kung nakatira kayo sa iisang bahay. Yung pagbubukod sa simula lang mahirap pero promise worth it siya. Ang daming benefits, una maggrow kayo pareho as a couple, malalaman niyo talaga yung responsibility. 2nd, malaya niyong magagawa ang gusto niyo ng walang iniisip na iba.. 3rd many to mention.. basta di niyo malalaman kung di niyo susubukan.. mahirap pero masaya yung matutulog kayo ng may peace of mind. ☺😊 Dun naman sa family ng husband mo, let them be. That's their attitude..yaan mo sila..yung respect ipakita mo pa din sakinla. Naniniwala ako na magiging maayos din ang lahat.. God bless momsh! Positive vibes lang!! ☺

Đọc thêm

so what? di nila ko gusto para sa anak nila? eh yun anak naman nila ang pakikisamahan ko habang buhay.. sila pakikisamahan mo lang sila dahil sa pamilya ng asawa ko.. yun ganyan attitude nila sa inyo na kesyo walang suportang magaganap! GO! PROVE to them na KAYA NYO! Anyways, nakagawa na nga kayo ng bata eh.. So hindi na kayo bata for that.. Siguro naman matured na kayo mag isip para sa mga ganun bagay.. Though masarap sa feeling na meron pa din guidance na makukuha sa mga parents.. Pero kung ganyan naman, na halos ipamukha na no matter what di ka tanggap.. GO AWAY! STAY AWAY! MAKE YOUR WAY! para magawa ninyo yun responsibilidad na kayong dalawa lang... Ang sarap sa feeling nun! Pramis...

Đọc thêm
6y trước

pero hindi ibig sabihin na mawala respect mo sa kanila as parents ng husband mo.. Mas malupit ang karma kapag parents ang kinalaban mo.. 😓 Saka it kills them na kahit ayaw nila sa yo tas ikaw ginagawa nyo lahat para maging magulang sa anak nyo.. At the end, magiging pamilya pa din kayo.. ❤️

Nakakaloka yang in laws mo ha. Hindi ba pwedeng dun kayo sa family mo momsh? Super stressful ng ganyang environment. Ganyan yung klase ng in laws na hindi dapat tinitiis altho need mo irespeto since magulang yan ng hubby mo e. Kaso kasi tinatapakan na pagkatao mo. Momsh dun muna kayo sa family mo, saka nyo na ifisgure out if pano makakatapos ng pagasral hubby mo. Ang mahalaga malayo kayo jan sa lugar na yan. Kung pwede nga wag mo na ipakita baby mo sakanila tutal mukhang ayaw din nan nila. Wag na maglakamartir. Sa hubby mo dapat kayo na priority niya at wag na sya magpadarag sa magulang niya.

Đọc thêm

Hayaan mo na lng teh.. minsan kc pag pinapansin mo mas lalo ka lng ccraan hayaan mo syang mag mukhang ewan basta alam mo at ng asawa mo na walang problema sa inyo.. mag sasawa din sya sa kakaganyan sau.. kesa stress sau yan.. icipin mo na lng ang asawa at anak mo .. kesa pansinin at maging gulo sa buhay mo ang in laws mo.. ayaw lng cguro nla na mawalan cla ng halaga sa anak nila kya ginugulo kau..

Đọc thêm

Much better sis kung bumukod na tlaga kayo,sabihin mo sa mister mo na wag matakot kung di na kayo susuportahan ang importante wala silang maipamuka o maisumbat sa inyo. Pagsumikapan at magtulungan kayo para sa anak nyo ng walang hinihinging tulong sa kanila. Patunayan nyong mag-asawa na kaya nyong bumuo ng pamilya at maayos. Pray lang sis.

Đọc thêm
6y trước

Salamat sis.. naghahanap na po si hubby ng matutuluyan namin hindi ko na po kasi kaya talaga dito..

Sa totoo lng medyo mhirap po tlga makisama sa mga inlaws Kaya nung simula ng bumukod kami ng hubby ko sobrang saya ko kasi pakiramdam ko ang laya ko sa lahat ng bagay at desesyon ko sa buhay😊 Pero infairness 5 years din po ako nkisama sknila😅 Kya kong may kakayahan naman kau mamshie Go lang💪

Sabi nga nila kung bnato ka ng bato ibalik mo ng tinapay.. kc kung sasabayan mo palage ang gulo wla ng tigil yan.. mag aaway lng lhat pati mga bata madadamay.. hanggang sa kalakihan nila yan.. habaan ang pacensya ang mahalaga nag kakaisa kau mag asawa..

Thành viên VIP

Naku naman. Minsan talaga may mga ganyang in laws. Kausapin mo sila ng may pag galang kung ako nasa lugar mo. Tell them na alam mong ayaw nila sayo pero desisyon na ninyong mag asawa yan. Tanda na nila parang di pa nila pinag daanan yan.