Ninang

Mga mommies, okay lang ba sa inyo na gawin ni hubby na ninang ng baby nyo yung ex nya? hindi ko pa ma desisyonan. kayo mies?

411 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

samin naman the other way. ninong ng anak namin ang ex ko. its fine for us mainly because me and my husband trusts each other. and before i met my husband im already my ex's bestfriend. my hubs and ex became friends too. and now im a ninang naman to my ex's son. and also friends with his wife. sa tingin ko communication is important. if your relationship with your ex ended the right way no hard feelings. and it may strengthen the bond that you have as friends. but if you are uncomfortable mommy dont agree 😉 a stressful family life is not healthy to both you and your husband. and your child will be affected also..

Đọc thêm

Unang una let's define ninang/ninong.sila ung taong pinagkakatiwalaan mo na pwedeng maging magulang sa anak mo sa panahong Wala ka or Wala ka na. Kaya pangalawang magulang tawag sa kanila, ung tipong habang lumalaki Ang anak mo pwede mo silang takbuhan Kung kailangan mo Ng tulong o alalay o payo para sa anak mo. Since parents Kayo, it goes the same way sa asawa mo, meaning it will make deeper relationships sa inyong lahat. Are you willing to have that relationship? If not then don't. Choice mo Yan as a mother.

Đọc thêm

If friends lang tlga cla ,Why not ? Babae ka mararamdaman mo yan if my something .kmi isa sa ex ko ,at isa sa ex ng hubby ko .preho naming knuha !pero ung mga un eh hndi long time jowa ,prang puppy pupplly love lang .kaya you know ,wlang dpat pagselosan kase prang kahit kmi sa isat isa .hndi ngturingan na mgjojowa dat time prang tropa lang .Pero if yung ex naman ng hubby na kukunin nya ,eh yung tingin mo pinaminahal nyang ex ..Its a Big NO ..As in no ,no ,no 😂😂😂🤣🤣🤣

Đọc thêm

Pag pumayag ka para kang kumuha ng batong pupukpok sa ulo mo..ang ex part ng nakaraan yan..baka mamaya un pa maging hint para magulo relasyon nyo ng hubby mo..eto namang hubby mo parang di nagiisip..di na dapat gawin yun kalokohan..ako kasi bitter ako sa ex ng husbond ko..nakikibalita pa yun sa sitwasyon namin ng husbond ko..well sorry sya di na sya belong sa future namin ng husbond and sa baby namin soon hehehe comment ko lang naman 🤭🤭🤭🤭

Đọc thêm

Yung sis in law ko ang bastos lang. Imagine, binyag ng anak nya, ginawa pa ninang ang ex ng hubby ko. Ang bastos lang kasi, sana inisip nya muna kung matutuwa ba kami ni hubby. Nananadya talaga ang bruha kasi di kami close. Sarap sabunutan hahaha yan tuloy nagkanda leche2 buhay nila mag asawa walang trabaho kasi mga tamad. Ending sa amin nangutang pero dahil inis nga ako, kahit piso wala syang nahiram. Plastik kasi.

Đọc thêm

Kung maturity ang paiiralin momsh, why not? Kasi ako, ex ko pinsan ng husband ko ngayn, nauna ung pinsan niya bago ko siya at 3yrs na kameng hiwalay ng pinsan niya bago maging kame, at kasundo ko pa din ung pinsan niya pati ung mga kapatid ng ex ko at pati na din ung monther and father, at take note parehas na din nman kmeng masaya sa mga relasyon namin ngayn, kaya di nan siguro masama ☺️

Đọc thêm

Kung ikaw sa sarili mo hindi ka kumportable sa ex niya wag kang pumayag. May mga ex naman kasi na as in parang barkada mo na lang. Ako may ex ako na Ninong ng anak ko at naging Ninang din ako sa anak ng ex ko pero kasi kilalang kilala na siya ng asawa ko and vice versa. So alam namin na walang something. Pero kung feeling mo may something pa wag kang papayag syempre.

Đọc thêm

Me po, naniniwala pa rin ako ng slight na ang pagiging ninong ninang ay pwede tumayong pangalawang amat ina. Dapat dun sa taong panatag ka na pwde mo ipagkatiwala anak mo sa pagpayo o ihabilin na ikaw man ay wala. Kung iyon ex ay magbubunsod ng posible pang kuneksyon niya sa asawa mo at mgiging dahilan ng pagseselos at panghihinala.. ay wag na lang po mamsh.

Đọc thêm

Kinuha akong ninang ng ex ko,pero parang indi din,kasi indi ko pa naman nakikita ung inaanak ko,12 yrs old na nga eh,choice nya un at depende din ayaw ko na ngang makipagkomunicate as kanila,tas ung asawa ng ex ko friendly naman sya pa ung nakipagfriend sa fb,at nangungumusta pa,pero sa baby ko ayaw kong maging ninong/ninang ng ex ko or ex nya.

Đọc thêm

Ako na walang alam na ex ni hubs yung isang ninang ng panganay namin: 🤦 Pakilala niya kasi e pinsan niya since same surname. Nalaman ko nalang eventually na hindi pala at ex pala siya ni hubs. Pero di po ako threatened, kalmado lang ako, mas maganda kasi ako sa ex niya (DINAAN KO NALANG SA LAKAS NG LOOB MII!) 🥲

Đọc thêm