Pusod ni Baby
Hi mga mommies. Natanggal na yung pusod ni baby pero bakit po ganito parang basa? Ano po yung proper ways sa paglilinis ng pusod ni baby? Hindi po ba mahapdi pag nilalagyan ng alcohol? Thank you
ganyan po nagyari sa baby 3 days palang sya natanggal yun pusod pero may naiwan na ganyan. kakatuyo lang nya ngayong 3 months na sya. Iwasan mo lang mabasa mi, kase yun sa baby ko nun nababasa ng konti pag naliligo kase dipa ako sanay nun magpaligo. Saka nakapagpatagal din sa pagkatuyo nun pusod ng baby ko pag binubuhos yun alkohol. nun dinampi dampi ko lang yun cotton na may alkohol unti unti sya natuyo tas wala ng katas. Binibigkisan ko lang sya bago ko liguan kase iwas basa. Based lang to sa nangyari sa baby ko mi ha. di ako medical keme kaya mas okay pa din kung mag ask ka sa pedia nya pag nagcheck up sya. Sana matuyo na pusod ni baby ❤❤❤
Đọc thêmganyan din sa baby ko.. medyo nag worry ako pero si mama ko ang nagpapaligo, wala naman kaso kung nababasa sya, kapag napapaliguan proper way lang ng paglilinis. di naman daw yan sugat, kaya di daw yan mahapdi na pag nilagyan ng alcohol ay masakit. doctor po may sabi non. basta lagi lang sya malinisan ng alcohol at cotton buds. wala ring ginamit na panakip, kaya 5days pa lng ni baby okay na ung pusod nya malinis na
Đọc thêm5 days natanggal na yung umbilical cord ng baby ko. 2-3days after nag dry at heal na siya. ginawa ko noon. every diaper change nililinisan ko ng bulak na basang basa ng alcohol, sa gilid gilid niya. Di ko din binabasa ang pusod niya pag pinapaliguan ko. 7days na halos towel bath si baby sa katawan. saka ko lang siya ng full bath noong nagdry na pusod niya. Ethyl alcohol ang gamitin mo wag Isopropyl
Đọc thêmNasobrahan mo na ata sa alcohol ang dry na ng tummy niya. masyado atang maaga na natanggal, 1st 7days ng baby no need na paliguan araw araw. kung gusto mo naman ng araw araw. make sure na di nababasa ang pusod niya. every diaper change dampihan mo yung gilid gilid ng bulak na may alcohol(Yung cotton dapat basang basa ng alcohol) sa paglagay ng alcohol sa gilid gilid lang ng pusod. pacheck up mo na din sis.
Đọc thêmYung baby ko 4 days palang tanggal na pusod nya ganyan din itsura pagka tanggal pero nilalagyan ko lang ng alcohol (pinapatakan ko using cotton ball) the next day tuyo na agad. walang bigkis bigkis. nababasa pa nga pag naliligo eh pero gumaling naman agad. Kaso yung pinangliligo namin sa baby ko is warm water na may katas ng dahon ng malunggay, kalamansi at alcohol. Ganda ng kutis ng skin ng baby.
Đọc thêmHindi dapat binubuhusan ng alcohol ang open wound na belly button kasi baka mag cause pa infection. Gumamit ka ng cotton buds tapos lagyan mo ng alcohol then i-dampi mo lang around the area. Wag ka din basta mag apply ng kung ano-anong ointment sa belly button without prescription. Ipa-check mo muna po sa pedia ng baby para mabigyan kayon tamang gamot.
Đọc thêmginamitan ko lang ng spray sa pag lagay nang alcohol mi para hindi nakakatakot... hindi din naman daw masakit sabi ng pedia, nung pumunta kami sa pedia binuhusan pa ng pedia ng alcohol kasi importante raw na matuyo yun.☺️ kung may lagnat at mabaho yung pusod mag consult agad sa pedia kasi baka may infection na💖
Đọc thêmconsult your baby pedia to makw it sure momsh. kc iba2x nmn ang mga baby. the best way prin is to consult the pedia of your baby. never kng na experience kc ito momsh. since kc s pusod cia, medyo delikado , bka mamaya ma infection pa yan.. opinion k lng nmn ito momsh. nsa sau prin decision. Godbless.
Đọc thêmbago maligo sis buhusan mo ng alcohol tapos pagpinaliguan si baby wag babasain ah. tapos pagkatapos maligo lagyan ulit ng alcohol. di ko alam if gumagamit p kayo ng bigkis kasi ako ginagamitan ko ng bigkis eh hanggang sa tuyo na talaga siya.
ganyan yung sa baby s sakto s check up nya natangal tpos may amoy sya... akting 10 days ng ntanggal sv ng pedia nkulob lng dw... tinuloy tuloy q lng pglgay ng alcohol kada plit ng diaper. okay nmn 1 yr old n baby q ngyon...
Mum of 1 adventurous cub