21 Các câu trả lời
Congrats Mii nakaraos ka na❤️. Same po tayo hiniwaan din ako pero 2.4kg si baby nun, maliit pero nagpabebe pang lumabas😂. Ang nirecommend po sakin ng OB ko gynepro. Tapos umuupo ako sa arinola na may konting tubig na mainit yung kaya mo lang po yung init. Ganyan po talaga hirap kumilos, ako din nun ingat na ingat po sa pagkilos lalo na sa pag upo feeling ko matatanggal tahi ko. Ang hirap din po mag poop. Buti nakaraos ako nun. Gagaling din po yan Mii basta ingatan mo din po tahi mo, wag ka din muna buhat ng mabibigat.
Hi Mommy, this article might help: https://ph.theasianparent.com/types-of-episiotomy Ang period of recovery mapa-normal o CS id really 6 weeks. So rest niyo lang po talaga. Iwasan po masyado ang pagbubuhat. Drink lots of water rin. Kung super painful po na hindi talaga halos makagalaw, best to consult your OB na rin.
One month mommy, mawawala na din po yan. Wash po kayo ng betadine fem wash malaking tulong po yun. And kung umiinom po kayo ng mefenamic nag lelessen po yun pain pero kung kaya naman po tiisin much better, mahirap na po kasi umasa sa gamot 😅😅 Anyways po, congrats 🎉
bat ginupit sau kusa yan mapupunitan e bago lumabas baby mo mapupunitan ka tapos jan na lalabas c baby mo.... ako bago lumabas baby ko napunitan ako papunta sa pwetan ko 40 weeks esakto baby ko ...3.2...kung di ako na punitan cs sana ako kasi malaki ulo ng baby ko...☺️
Saken mi tinahi din kasi 3.3 kls c bby di nman sya masakit kasi yung pag tahi sakin nag effect yung anesthesia tapos kung tinahi pinainom kaagad ako pain reliever may almuranas pko nka labas di nman sya as in masakit everyday . Congrats mami nkaraos kna din
Ako wala pang 1 week magaling na, nirecommend ng ob ko betadine fem wash, day and night mo sya ggmitin na good for 1 week. 3 days palang nakatae nako ng matigas at hindi masakit 🤣
Si mama ko, tyinaga nya po ako pakuluan ng dahon ng bayabas for 3 weeks. Ipinanghuhugas ko po yun. Tapos sabi ng OB ko, betadine fem wash na violet gamitin rin. ☺️
Hi mii congratulations po. usually it takes a week or more po yan since umiinom ka nman po ng antibiotic madali lang po yan gagaling ☺️
yes mskt tlg yan mi ranas q yan ipanghugas mo pnakuloang dahon bayabas na medjo mligamgam mi yn panghugas q araw araw mdli lang mi gmaling congrats mi
usually po ginagawa talaga yan kesa mapunit ng kusa. gamit po kayo ng betadine antiseptic wash. nakirot talaga siya minsan pero magheheal din kagad yan