Mga mommies. Nalulungkot ako at nadodown. Alam kong hindi ko dapat mafeel to. Gustong gusto ko naman talaga matuto at alagaan ang baby ko. Kaya lang napapansin ko parang mas comfortable sya sa karga ng tatay nya kesa sa akin. Yun bang parang mas nanay pa sya ng baby namin. Tinatry ko naman talaga eh. Kaya lang mukhang hirap sya pag ako ang may karga. :( May factor ba dahil maliit ako at mga kamay ko tapos yung kay hubby medyo malaki syang tao at malambot ang katawan nya dahil chubby sya. Naiiyak ako minsan tapos minsan sinasabi ng hubby ko mas parang sya pa daw ang nanay kesa sa akin di ko alam if nagrereklamo na ba sya. Eh gusto ko naman talaga matuto. First time mom ako. Mag 2 weeks old palang baby namin. Ang hirap kasi wala na akong nanay na mag guguide sa akin. Sabi kc nila mas madali daw pag may nanay ka pa. :( kc may magbibigay ng advice at guidance kung paano ba. Naiiyak talaga ako. Nauunahan daw ako ng takot sabi ng hubby ko. Syempre ayoko naman makita hindi comfortable ang baby ko. :(