Careful po tayo sa Highblood mga Mommies!

Hello mga mommies na preggy... Kapag may nararamdaman po kayo, hilo, sakit ng ulo, sobrang pagkaantok, may bula ung wiwi or masyadong makulay or maamoy, pa check up po kayo. Pa BP po kayo sa kakilala nio ma meron gamit or bili kayo ng bp monitor na electronic. Gaya ko, super ingat sa food pero highblood na ako at 22 weeks. May maintenance na ako and am pm nagchecheck ng bp. Harmful po sa babies natin ang highblood, and nai stress po sila kaya sa ibang moms sobrang likot ng baby,un pala highblood na sila and stressed si baby kaya malikot. Wag po tayong makampante, ingat po tayong lahat! May mga highblood din ba dito nung preggy and kumusta po kayo?

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Ako rin po momsh at 32 weeks nag maintenance na ko ng gamot na nireseta ni OB dahil noong nasa 20 weeks pa lang ako nasa borderline na BP ko. Nainduce noong 38 weeks dahil sa pre eclampsia. Maingat din po ako sa pagkain noon kaso nasa lahi namin talaga ang may high blood. Kamusta po kayo ngayon?

5y trước

Thanks momsh.. I just hope na magfast forward na ung time at makafull term na kami ng baby ko ♥

Good day momah ako din po may HB na even before nagbuntis po ako, I'm currently at my 25 weeks na and taking meds para mapababa BP ko. I just keep on praying na sana kahit mafull term ko man lang si baby 37 weeks then I'd be willing na maCS for our safety.. Kamusta naman po kau mga momshies?

5y trước

Let’s pray we’ll have safe delivery ❤️ sa food grabeng ingat na namin. Steady 130/90 bp ko even with maintenance kaya sana with healthier foods ay mapababa pa.

Thành viên VIP

me po. maintenance ko methyldopa 250mg 3x a day. 😊 35weeker si baby nung pinanganak ko but not dahil sa highblood. gdm din ako nung buntis. hehehehe be very careful kasi ang highblood nagcacause ng eclampsia. or excessive bleeding.