Hello mga mommies, mag dadrama lang ako dito since ayokong sabihin kay LIP at baka mag-away nanaman sila ng family/mommy nya at mastress pa si LIP.
Dito kami sa mommy ni LIP nakatira, kasama step father nya and isa nyang kapatid na babae na walang asawa.
Okay naman sana kami ng mommy ni LIP pero madalas pag nagkukwento sya, hilig nya mag compared ng ibang tao sa sitwasyon ko/namin ni LIP. Like "suhi pa pala yang anak mo, bakit si ganito (asawa ng anak nya) ganito ganuna, bakit yung anak ko ganito ganyan... Bakit ako noon ganito ganyan, kasi nga tadtad kami sa trabaho, kilos ng kilos.." tango lang ako ng tango at sang ayon nalang.. Pero nakakasama ng loob pag ganun diba mommies? Wala naman buntis na gusto suhi padin si baby..
Tska lagi nya kinukumpara asawa ng anak nya sa mga kwento nya, na maganda daw business nila, okay kita at may ipon sila. Masinop sa gamit, masinop sa bahay..etc etc..
Ang nakakasama pa loob yung work na ginagamit nya na kahit dito sa lagi nyang binabanggit na 'to.. "KAYA NGA SABI NI ANO NA DAPAT DAW ANG NAKASAMA/MAKASAMA NI (LIP) AY MARUNONG SA BUSINESS/BAGAY BAGAY, DAPAT MAKASAMA/NAKASAMA NYA MASINOP KASI KAWAWA SI (LIP) PAG PALUBOG ANG TRABAHO NYA (INTERIOR DESIGNER)"
Nakakasama lang ng loob na pasegway pa nya sinasabi alam ko naman na patama talaga sakin. Hindi nalang ako sumasagot, ginagawa ko naman lahat ng kaya ko kaso di nila nakikita yun, nakikita lang nila yung mali/pagkukulang ko. Siguro dahil wala naman talaga akong naitutulong sa anak nila dahil di naman ako kagaya nila o ng asawa ng anak nya na may sinabi sa buhay.
Dagdag pa mga kapatid ni LIP na kahit ilang taon na ko nakatira dito never ako binati or kinausap.
Minsan pag di ko na kaya iniiyak ko nalang, nag woworry lang ako baka maka apekto kay baby sa tiyan ko. 🤧🥺😭