13 Các câu trả lời
sakto na 6 pcs each. di namin masyado nagamit noon yung long sleeves and pajamas, mainit kasi sa bahay. pero if air-conditioned room nyo, oks yan. sleeveless, short-sleeves, and shorts sinusuot ko kay baby. bumili rin ako noon ng 2 onesies, pero ayun, mabilis nga nila lakihan 😅 di rin kami gumamit ng bigkis. yung bonnet, ginagamit lang namin pag lalabas si baby (for pedia visit, etc). may circumstances kasi na kelangan palitan si baby ng damit more than 1x. like pag naglungad tas nadumihan ang damit. nagleak ang diaper so nalagyan ng ihi or poopoo yung shorts/pj. so depende kung gano ka kadalas maglalaba ng damit ni baby. if 1x a week lang plano maglaba, i recommend more than 6 pcs. but again, mabilis nila lakihan ang newborn clothes. yung blanket naman ni baby 3 pcs. binili ko noon. matagal naman nya magagamit yang blankets
for my first born ang madalas niyang gamitin ay yung 3 short sleeves tiesides at 3 sleeveless tieside yung 3 long sleeves na binili ko halos pamalit lang kasi malaki sa kanya. Then yung pajama kulang ang 3pcs sakto na yung 6pcs. Yung lampin 12pcs ang meron ako tsaka 3pcs na bib pero mas maganda kung 6pcs na rin. 6pcs mittens, 6pcs booties and 3pcs bonnet okay na. Not recommended ang bigkis and hindi ko rin siya nagamit sa first born ko.
For me mamsh, super unti lang. Mas unti, mas maganda. Ako kasi nun dami ko binili na ganyan 🤣 pero 2 weeks lang ata nagamit ni baby ko. After natanggal pusod niya, nagswitch na kami sa onesies and frogsuits. And isa pa, ang laki ni baby ko lumabas, 3.7kgs 🤣 ang bilis din lumaki hahahaha kaya di talaga nagamit
ok na po etong set na to. true din naman kasi na masyadong madami kapag 1 dozen. 2 sets na ganito binili ko para kay baby, nagamit naman lahat kasi panay kami palit kay baby. pero hindi ganon katagal kasi mabilis niyang malakihan
7pcs max for the new born... kasi mabilis nila lalakihan yan. You probably wont use it for very long. I personally only bought 3pcs na short sleeves and 3pcs long sleeve onesies.
konti lang sis , di kailangan madami kasi di nman dumihin kapag newborn pa , mittens lang ang medyo damihan kasi un tlga palitin kasi pag gutom isusubo niya chaka lampin😊 .
Yes. Hindi po kailangan madami. Trust me mommy, ang kakailanganin mo lang is kakaunti dahil mabilis niya lang po kalalakihan yan. Pwede na po iyang 3-6 pcs po per set. 🙂
wag masyado madami mamsh kasi mabilis lumaki ang newborn kung gusto mo maybsizes naman sila bilin m n lamg ung medyo malaki pra magamit mo p nang matagal
Tama po mabilis po kasing lalaki si baby Kaya po kahit 5 to 6 pairs Lang ☺️ Okey na po Yang nasa picture complete set na po Yan 👍
hanap ka ng mas unteng set mi, yung tig-3 pair asa 300 yun 1month ko lang pinasuot bb ko nyan nag-onesies na ako