Posterior. Breech Position

Hello mga mommies, hingi lang ako ng advice. Need ko po ba mag-worry? Naka breech position po kasi si baby mababago pa po kaya ang position niya? 🥺Medyo worried lang po. #firsttimemom #advicepls #firstbaby #breechPosition

Posterior. Breech Position
25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

magbabago pa yan momsh😊 tiwala lang ganyan din ako sa bunso ko 32weeks hanggang 35weeks Breech sya pero nung nag 36weeks Cephalic na sya hanggang pag labas always mo lang Kausapin si baby mag lagay ka din po ng Sounds sa bandang puson para sundan ni baby at Flashlight po mula taas pababa Yan po ginawa ko

Đọc thêm
Influencer của TAP

pwede pa yan magbago mamsh. ganyan din si bby nung 25 weeks. check ka sa youtube mga exercise para umikot sya. pwede mo din i-try yung naka tuwad ka kahit 30mins everyday. until sa 30th week. kase pag 30weeks onwards di na magbabago yon ng position. ngayon oks na oks na position ni baby. hehe

Influencer của TAP

pag 37 weeks at breech parin as is na yun mi. Pero sa 23 weeks msyado pang maliit si baby kayang kaya pa nyan umikot. Ako 34 weeks Breech di nakaikot until 37 weeks. Ending scheduled CS. Pag labas ni baby cord coil kaya di na pala nakaikot sa loob. Maliit lang su baby 2.6 kilos

Đọc thêm

Magbabago pa yan momsh. Ganyan din ako ka worried before dahil naka breech position sha at around the same weeks. Three days ago, nag request ulit ng ultrasound yung ob ko since I’m at 32 weeks. Okay na yung position nya. So relax and wag mag overthink.

Breech den po baby ko nung 21 weeks ako then nag cephalic po sya nung 35 weeks ako pasounds lang po kyo every night then itapat nyo sa puson nyo walking din po everyday para umikot si baby same po tayo ng ob si dra. lyramar almirol

Msyado pa pong maaga ang 23 weeks. I fhink sa akin, nung 28 weeks na sya nakapa ni OB as cephalic. Wag po kayong ma-stress dahil masyado pong maaga pa. Malaki pa ang space ni baby para magpa ikot ikot sa tyan nyo po.

breech din ako moms nung nagpa cas ako 24 weeks..now 28weeks na ako diko alama kung naikot na pero d aq nagworry kasi alam kung iikot pa naman sya to early pa.

28 weeks po nung nagpa ultrasound ako and nakabreech position din po si baby. Sabi po ni doc sakin na no need to worry daw po kasi iikot pa si baby at nag advice po sakin na wag daw magpahilot.

Magbabago pa yan. Ganyan din saken footling breech p nga e. Maliit pa yan si baby mo iikot p yan kaya pag mlpit na kabwanan mo lakad lakad kna

Yes Mii.. possible pa yan mag cephalic😊 ako nag breech si Baby at 24weeks pero last check up ko at 33weeks cephalic na ulit sya😊