Mga mommies, hihingi lang ako ng advice. FTM po ako at 1 month palang si baby. Na stress na kasi ako sa baby ko, nakaka limang palit kami ng damit sa isang oras after nya dumede. Ginawa ko na lahat ng paraan ng pagpapaburp, kaso lumulungad padin sya. Yung lungad nya madami na parang nilabas nya yung dinede nya kaya after non gutom ulit sya.. After dumede, dinadapa ko sya sa dibdib ko kaso malikot sya kaya naaalog o naiipit tyan nya kaya lumulungad.. Tinry ko nadin syang ilagay sa balikat ko, padapain sa hita, lahat na ginawa ko. Minsan nagbuburp sya pero sabay din nun ang paglungad nya. After burp, ibababa ko sya after 10min pero lulungad padin. Nagpalit nadin kami ng formula milk from Nan optipro - Enfamil - tapos ngayon Similac Tummycare as prescribed ng Pedia nya. Kaso ganun padin eh, kahit breastmilk ko nilalabas din nya. Di ko alam kung sakin ba may problema dahil di ako marunong magpaburp, ginagawa ko naman lahat eh :( Naaawa ako sa baby ko at the same time na stress ako. Malikot kasi sya, mahilig pumalag at magwasiwas ng katawan, di ko alam kung isa din va sa dahilan yon kaya sya lungadin o baka na ooverfeed dahil after lungad pinapadede namin kasi gutom nanaman sya. Di ko na alam :( . Salamat sa makakatulong