Meron o wala?

Mga mommies. May gusto sana akong itanong kung ano sa palagay niyo kung tama ba tong nararamdaman ko. Im 31 weeks pregnant po pala btw. Mahaba habang kwento po ito sa please bear with me. Si hubby kasi, meron siyang kaworkmate. One of the boys ang asta niya. Kaya sa lahat ng inuman, yosi break etc kasama siya. Ang hindi ko lang magets sa kanya, sa lahat na gf at asawa ng mga kaworkmates niya, talagang ako ang never niya kinausap or pinansin. Instance #1: Isinama ako ni hubby sa team building nila. Hindi pa po ako pregnant nun so okay lang makipaginuman. So andun na ako sa circle na nagtatagayan, katabi ko hubby ko. Yung iba katabi din gfs/wifey nila. Itong si ate girl ang nagtatagay. Deliberately hindi nya ako tinagayan, or inalok man lang. So hindi na lang ako uminom. Binalewala ko lang tong pangyayaring to. Instance #2: May gig si hubby, and isinama niya ulit ako. Inalok nya din lahat silang magkakaworkmate. So yun, magkakasama nanaman sa iisang table. After a while, inalok ni Ate Girl yung lahat ng kaworkmates nila na lumipat ng table. Dun na ako nainis. Naiwan ako magisa sa table kasi sumunod silang lahat pagalok niya. Si hubby ko lang ang sinamahan ako. Nagkataon din na may mga dumating na sating kabandmates ni hubby so lumipat narin kami ng table. Simula ng dalawang pangyayaring yan, talagang uminit na dugo ko sa babaeng to kasi di ko alam kung anong deal niya sakin. Fast forward last week. May convention trainingng sila sa Manila, from Wednesday to Sunday. Nagkatampuhan kami ni hubby ko during these times kasi hindi nya ako nirereplyan. Nabusy daw kasi. Nung umuwi na siya at nakatulog na kasi mahaba byahe, chineck ko phone nya. Nakita ko sa convo nila ni Ate Girl na nagpapaalam si ate girl kung pwede daw ba ipost nya pictures nila. Baka daw ma-gg ako. Di si ako naman, nainis nanaman kasi sino siya para sabihin na ma-gg ako. Kilala nya ba ako? Alam nya ba kung anong mga bagay ang ikinaka-gg ko? Sagot naman ni hubby ok lang daw. Mejo okay na kami ni hubby nitong mga panahon na to. Nagsorry sya at inamin na mali sya. Fast forward last Saturday. Dahil nga sa nung last last week eh wala si hubby, expected ko na magbabawi samin ng anak nya last weekend. Yun pala may lakad nanaman silang magkakatrabaho. KTV daw. Hindi sumama si hubby kasi wala akong kasama sa bahay pero ramdam ko na gustong gusto nya pumunta saka nainis sya sakin. Nkatulog ako ng 9pm tapos nagising ng 10pm. Sinilip ko siya sa baba. Umiinom syang solo. Di sabi ko ok, napapainom siguro talaga. Mga bandang 1am, may dumating na kaworkmates nyang tatlo at isa dun si ate girl. Dun na ako nagalit. As in di ko nakontrol galit ko kasi alam namam ni hubby na mainit dugo ko sa babaeng yun, inalok alok pa dito sa bahay para maginom. Inintay ko sila matapos hanggang 3am tapos kinompronta ko si hubby. Galit na galit talaga ako nun kasi di ako makapaniwala. Hindi ko naman sya makausap matino kasi lasing na lasing. Nung nakatulog siya, chineck ko ulit cp nya. At yung ate girl na yun ang talagang nagalok na after nila mag ktv, puntahan daw nila si hubby. Ito naman kasing si hubby, nagpost sa gc nila ng picture ng redhorse tapos solo syang nagiinom. Ngayon itatanong ko sana sainyo, dapat na ba akong mabahala? Dapat ko na bang kausapin nh masinsinan si hubby about kay Ate Girl? Sa tingin nyo, may something na ba sa kanila? Pasensya na po napahaba ang kwento, pero sa mga sasagot, maaappreciate ko po ng sobra kasi di ko alam kung napaparanoid lang ako o dahil lang sa hormones ko o talagang evident naman na may dapat akong ikabahala. THanks po.

51 Các câu trả lời

VIP Member

Komprontahin si mister! Hindi aasta ng ganyan ang isang babae kung hindi siya nagpapansin sa lalaki o sa mister mo nga. Pakikonyatan si mister at kausapin ng masinsinan. Anong deal niya sa babaeng yon. Kapag hindi umamin tadyakan at palayasin sa bahay. Huwag po joke lang. I mean bigyan na lang ng kundisyon si mister tungkol sa malalamang mga bagay.

Naku jusmiyo MGA GALAWANG HIGAD TALAGA nakakagigil c ate girl.Hindi po gawain ng matinong babae ang mkpg inuman lalo nat dis oras ng gb n mga lalake ang kasama. Ma KS c ate isa pa tong asawa mo ha sarap pg untugin alam nmn nyang gigil ka ky ateng dapat iniiwasan n nya. Nakakdemonyo ang alak panu nlng pg nalasing cla bka mgtake advantage c ate girl.

yun nga po eh. take note po, siya lang talaga ang babae nung gabing yun. kaya gigil na gigil ako.

Prang ngyari samin to. This time kaya pla ang cold ng treatment sken ni girl kc before maging kami ni hubby ko nagtapat ung girl na aantayin nya daw si hubby gang maging ready. Kaso nagkgf sya imbyerna sken si girl. Nung cnbi ko ky hubby ko nilayuan nmn nya ung girl. Tas d na naulit. Mamsh kausapin mo hubby mo. Anung deal nung babae? 😂

hanap ka muna matibay na ebedensiya magaling tayong mga babae dyan pakiramdaman mo at always check mo phone niya..may mga babae talagang malalandi kahit alam nilang may asawa na ang lalaki..pero syempre nakadepende parin sa asawa mo yan kung lalandi din siya.. ako pag ganyan hindi pa nagsisimula pinuputol kuna babae ang kinokumpronta ko..

VIP Member

If you feel uneasy and uncomfortable, then yes something is wrong. First of all dapat di ka nakakaramdam ng ganyan at ikaw dapat ang priority ni hubby mo. Talk to him. What matters ba, so called friendship nila ni girl or yung feelings mo. Baliktarin nyo kaya yung situation. Magugustuhan kaya nya na may uneasy feeling sya sa friend mo na guy?

yan po eksaktong sinabi ko sa kanya last Saturday. Kung yung friendship nya jan ang mas matimbang kesa samin ng anak niya, wala ng saysay magstay pa kami. ayaw naman ako paalisin kaya yun, sabi ko layuan nya kung ayaw nyang hindi na kami makita kahit kelan.

Nako feeling ko at feeling ng mga lahat ng nagcomment dito may something yan si ate sa asawa mo, confront your hubby not the girl mahirap na at baka maipost ka pa sa social media alam mo naman sa panahon ngayon pwede kang mabaliktad konting edit lang sa screenshot. Confront your hubby na hindi ka comfortable sa nangyayari.

salamat mga momshies sa mga advice! hindi ko akalain na maraming sasagot and magbibigay insight dito sa dilemma ko. malaking tulong po kasi ayokong magsusumbong sa parents about married life problems kasi isa lang lagi sasabihin sakin, hiwalayan ko na.. so thank you po sainyong lahat 💕

You have every right sis ang intuition ay gift yta satin from above. Di ako ngsulsol o nanggatong pero may agenda sya sa aswa mo. Wag sana bumigay ang mister mo msyado syang halata may kilala akong ganyan one of the boys ang peg pra di pghinalaan kuno!

Hmm diretsahin mo kaya sya na dika kumportable na umaaligid sya sa asawa mo.

Kht d gnyan hubby ko prang na aaffect ako, napakaselosa ko kasi kht sinong babae nakakausap nia incase sa work pinagseselosan ko. Kaya kong ako lng baka mapaaway ako ng wala sa oras tlga. Subukan nia lng mg ganyan sia baka mbblatan ko sya ng buhay..

Ofcourse sis dapat lang confront mo sya ! Pag usapan nyo at pag naulit pa yung girl na ang iconfront mo ! Im sure namn may delikadesa sya dba parehas kayong babae e .. pag panget reaksyon nya sapakin muna kaagad haha joke

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan