Thank you for everything Baby Zairelexa😍😘😘😭 Goodbye😭😭

Hi mga mommies😊 gusto ko lang i-share sa inyo naging karanasan ko para maging aware din mga ibang mommies ... 😊 So.. Halos 6months na mula nung nawala samin ung baby ko... Ngaun lang ako nagkaron ng lakas ng loob para ibahagi sa inyo to.. 2months and 12days lang nagtagal samin baby ko .. Biglaan lahat ng nangyari.. Halos lahat kami hindi makapaniwala... Buntis ako nun mga mommies.. 3or4 months na tyan ko nun... Hindi ko rin talaga alam na buntis na ako nun kase tuloy tuloy at normal ung regla ko.. Dinala ako ng hubby ko sa province nila dun ako tumigil... Nung time na un.. Uso ung bulutong sa lugar nila at isa sa mga pinsan nya may bulutong.. Nahawaan ako ... Halos isang bwan bago ako gumaling ... Hanggang sa nagpa check up ako.. Dun pa namin nalaman na buntis na pala ako... Hanggang sa lumaki na tyan ko at umuwi na ako ng cavite.. Sa family ko para may mag asikaso sakin.. Dun na ako nag pa ultrasound... Sabi ng doctor.. Sobrang delikado daw pala kapag nagka bulutong or tigdas ung buntis lalong lalo na sa first trimester.. Kase ang unang maapektuhan daw pala ay yung puso.. Kase puso palang daw talaga ung fully develope sa time na un.. Kunh hindi daw puso.. Pwede daw sa pandinig/pananalita/ paningin maapektuhan si baby.. Dun palang iba na pakiramdam ko.... Dinala ko sa center na pinagpapa check apan ko ung result ng ultrasound ko... Ang saya ko nung time na un kase wala daw problema at maganda daw result ng ultrasound.. Kaya nakampante kami na okay lang si baby... Hanggang sa nanganak na ako.. Hindi namin sya naipa newborn screening dahil na din kailangan daw sa maynila pa at wala daw nag aasikaso ng newborn screening sa lugar namin... Hindi rin naman namin pwede ibyahe at baka mabinat ako or baka mapano si baby.. Kampante lang kami nung time na un kase malusog sya at parang walang nararamdaman na kahit na anu... Hanggang sa nag 2months na sya.. Dec 23/19 pumunta kami ng laguna sa side ng hubby ko.. Para na din makita na sya.. Ilang days lumipas.. Dun na sya nag umpisa na pawala wala na ung lagnat.. Ang taas pa umaabot ng 39-40 temp. Nya.. Dec 27 pina check up namin sya.. Need daw ng xray para malaman if pneumonia .. Dec28 ng hapon nakuha result di na namin naipabasa nung araw na un dahil sarado na ung pinag pacheck apan namin.. Dec 29 ng umaga nabasa ng doctor ung result... Dun namin nalaman na puso ung naapektuhan sa kanya.. Kase ung size ng puso nya is halos kasinlaki ng kamao ko.. Na hindi normal para sa age nya .. Kaya ung kaliwang baga nya naipit at un ung nagiging dahilan kung bakit sya nahihirapan huminga... Nung time na yun... Tinapat na kami ng doctor na.. Kapag pina ospital namin si baby mas lalo lang sya mahihirapan.. Dahil kung mabubuhay man daw sya.. Baka hindi rin kayanin ng katawan nya if hindi naibigay lahat ng supplement nya .. Nung araw na un inuwi namin si baby.. Iyak ako ng iyak pero possitive parin nasa utak ko.. Nanalangin ako ng paulit ulit na sana wag syang kunin samin... Nung gabing yun natutulog sya na nakadapa sa dibdib ko... Umiiyak kami dalawa ng hubby ko.. Tinanong nya ako if handa na daw ba ako sa kung anu mang mangyari kay baby ... Humagulhol ako lalo ng iyak... Sabi ko.. Hindi ... Hindi ko kaya.. Kase sya ung pangarap at bumuo ng buong pagkatao ko at nagbigay ng pag asa sakin para lumaban pa... Nakatulog ako kakaiyak.. Bandang 5am kinabukasan dec 30.. Ginising ako ni baby para dumede sya.. Parang normal lang sya at ayaw nyang ipakita samin lalo na sakin na may nararamdaman sya.. Habang pinapadede ko sya tumutulo nalang luha ko... After nun natulog ulit kami.. Mga bandang 7am.. Nararamdaman ko kamay ni baby na parang hindi sya mapakali.. Kaya dali dali akong gumising... Binuhat ko sya nakita ko na sobrang hirap syang huminga kaya itinakbo agad sya namin sa ospital.. Habang nasa daan kami .. Nakatingin sya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa strap ng sando ko.. Sabi ko sa kanya.. Anak.. Saglit lang to ha.. Malapit na tayo wag ka mag alala ha... Hindi nya inaalis ung tingin nya sakin.. Na naging dahilan para humagolhol ako sa iyak ... Dahil mejo may kalayuan din ung ospital... Habang nasa kalsada kami... Nakita ko ung huling paghinga nya.. At dun na sya bumitaw sakin... Dun na sya nawala... Dun ko na sya niyakap ng sobrang higpit.. Sobrang sakit.. Para akong mamamatay sa sakit na hindi ko maipaliwanag na parang dinurog ako .... Sa mismong mga kamay ko sya nawala.. At wala manlang Ko magawa para madugtungan ung buhay nya... Sobrang hirap... Pagdating sa ospital.. Ginawan pa nila ng paraan para mabuhay sya.. Pero wala na.. Dead on arrival na sya... Pinadala sya sa morgue.. Hindi na namin pinagalaw o pinaturukan katawan nya.. Ako na nagbihis sa kanya.. Sobrang hirap... Sobra ung sakit... Nung araw na un.. Hindi ako umalis sa tabi nya.. Tinititigan ko ung napaka amo nyang muka.... Muka nya na.. Sa alaala at panaginip ko nalang ulit makikita😭😭😭 ... Dec 31 ng umaga.. Dinala na sya sa simbahan.. Yung simbahan na kung saan sya dapat namin papabinyagan😭😭😭 nung araw na un.. Bawat sigundo gusto ko ihinto.. Hinihiling na panaginip lang lahat... 😭😭😭😭 hanggang sa pag dating sa sementeryo.. Dun namin sya huling niyakap ng mahigpit... Sinabi namin kung gaano namin sya ka mahal.. Humingi kami ng tawad sa lahat ng pagkukulang namin sa kanya bilang magulang... Pagkauwi namin.. Hindi na namin alam kung papaano uimpisahan ang bagong taon sa buhay namin ng wala sya... Sobrang hirap at sobra yung sakit.... Hanggang ngaun.. Pag naaalala namin sya... Sabay nalang kaming napapaiyak bigla... Pero alam namin na.. Okay na okay at masaya na sya kung saan man sya ngaun... Alam namin na hindi na sya mahihirapan pa kahit kailan...😊😍 Ngaun... May dumating ulit na napakalaking blessing sa amin... Dahil may anghel agad na ibinigay sa amin at sa pagkakataong ito.. Gagawin na namin ang lahat wag lang maulit ang naging karanasan namin... Thank you sa pagbabasa 😍😘 Godbless sa inyo 😘😘

1108 Các câu trả lời

thanks for sharing.... bilang nanay pinakamahirap yong nakikita mong hindi ok ang anak mo.... napakasakit talaga..... GOD has HIS own purpose for everything..... kailangan lang natin magtiwala kahit pa sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok.... Yong experience nyo used it to give positive view in others life.... and by this second blessing, may GOD give you wisdom and all the provision in your second pregnancy journey..... GOD hears our prayers, cry and brokenness.... HE may seem silent but definitely not... HE just waiting for us to seek HIM and need HIM wholeheartedly..... And our faith in HIM will give us strength to face even in the most painful part of life.

na alala ko din po ang anghel ko.😭 may,28 ng isilang ko cya may31 nang kuhain na cya samin at iniwan na nya ako hlos mbaliw ako hlog gumuho ang mundo ko.😭 wlang mkakapntay ng sakit na nararamdaman ng mawala ang baby ko.😭 hngang nga un sobrang sakit pdin mag 4month ncyang wla sa piling nmin, pero 22o nga na my plano ang dyos dhil e2ng month nlaman ko na buntis ko ulit at same din ng month nang mag buntis ako sa knya at may din po ang duedate ko.😊 sobrang saya ko kse ibinalik din cya samin ayaw nya tlgang nlulunkot ako, pero wlang mkaka palit sa knya d2 sa puso ko. pang 4 na baby ko po cya, I WILL CARRY YOU A LIFE TIME IN MY HEART ELLIANORA KO.❤️👼

i feel the pained as in .. ung 9months nsa tiyan mu sya ur such a happy to see n my baby kn nwala lht ng hirap mo ... hirap tanggapin n dreams mi mgkroon ng sariling baby tpos mwawala ouchy 😭 .. first time momsh din ako now im already running 31 im 4months preggy to do ingat aq kc dinugo din ako before 3months muntik aq nkunan GODS LOVE .. prayer is power. baby mo nasa kamay na ni LORD..🙏 MAAGA SIYA KINUHA KASI MAHAL N MAHAL SIYA DAHIL AYAW NIYA MAGHIRAP PA SIYA ... KAYA NABIYAAN KA AGAD NG BLESSINGS.. SANA KUNG BABAE MAN ANAK MO " BLESSED GRACE" ANG NAME❤️❤️❤️❤️

habang binabasa ko to. . grabe iyak ko .😭😭😭naalala ko baby kong nwala. 6 mos plng sya sa tyan ko nang mwala sya .. nagbalik ang pain.. sakit sobra.. lalo na sating nagdala.. after a decade of trying. ganun lng kabilis nwala😭 pero wala magagawa.. we have no choice but to be strong.. and moving on.. isipin nlng natin na everything has a purpose.. we have to trust God for everything. kahit gano pa kasakit..its been 5 mos. since nwala sakin c baby.. 😭💔. but now im blessed.. kasi buntis na uli ako😀♥️ mas iingatan ko na ngayon.. but the pain still here.. i miss my angel💔

Napakahirap po tlaga n mwlan ng anak dhil tulad nio dn po nwlan dn po ako ng baby 2 mos dn po xa.. Lalong npakahirap yung mkkita mo ang baby mo n gus2 png lumaban pra mabuhay pro nd n kinakaya ng katawan. Npakahirap isuko pro alam mo wla k ng mggwa dhil iyon ang kagustuhan Nya (God). May reason kng bkit cla kinuha stin dhil iyon ang mas mkakabuti s mga baby ntn, mhrap mgmove on dhil maski ako nhirapan, inabot ng 2 taon pra mkarecover. Pray lng po tau icpin nlng po ntn n nd n xa mssktan p at mhhrpan dhil wla mgulang ang gugustuhin n nkkta mo nhhrapan ang iyong anak.

Yes mommy.. Kaya kahit sobrang hirap kailangan natin sila ipaubaya kay God dahil mas mas better ang mga plano nya kaysa sa plano natin mga magulang para sa mga anak natin😊

nakka iyak 😭😭 . ako kht 1 month plng sa tyan ko nuon ung baby nmin ng lip ko sobrang durog na durog ako iyak ako ng iyak. kht ngaun d sia nawawla skin.. kht pa sbhn ng iba dugo plang un. pra skin baby ko un 🥲 mahal n mahal ko un kht d sia para smin nung panahon na un.. pero ty kc. prang bumalik sia samin ngaung taon biniyayaan ako ng sobrng kulit na baby 🙏🥰🥰 at malapit kona sia masilayan 😍😍 pra sakin... never ko malilimutan ung araw. na nalaman ko na may baby kami nuon kht 1 months plang sa tyan ko un baby. ko pa din un 💕💕💕

Ramdam kopo yung sakit 5 months sya nung time na nailabas ko sya yung sakin di ko na sya nahawakan at nagpaalam dahil dinala na agad ako sa hospital na akala konisang araw ko . Tinry ko na umayos pakiramdam ko pero 3 days process bago pa pala ako makalabas.Iyak ako nang iyak nung pag kauwe ko diretso ako agad sa vandang cr kung saan ko sya nailabas masakit kase kahit anong sorry ko alam ko di na sya mababalik.Gustuhin ko man alam kong may plano ang dyos samin. Sobrang namiss kona sya DARILYN ate kana Iloveyou sobrang mahal ka ni mama.

VIP Member

😢😭😭 i almost felt mawawala ako sa katinuan nung pina check up namin baby ko sabi nya dapat ipaadmit na kasi baka mahirapan huminga kasi may pneumonia si baby sa takot ko pina admit namin agad at 2months lalagyan ng dextrose baby ko naiyak ako kasi ang ilit pa nya tas ma ospital agad😢😢 pero sa awa ng dyos okay na baby namin 11 months na sya and turning 1 this oct . pag kabasa ko sa story mo naalala ko yung sakit sa dibdib nung makita ko na may dinadamdam baby ko at di ko kaya na makita at maramdaman ulit un 😭

I know how you felt..pinagdaanan ko din Yan 7 days pa Lang si baby nagka sepsis Siya muntik ng namatay Kung di lang naagapan..napakahirap sa isang ina na nakikita mo Ang anak mo na nahihirapan at nasa bingit ng kamatayan araw araw gabi gabi akong umiiyak Kung sino sinong tao tinatawagan ko para tulungan Kong ipagdasal Ang anak ko..Lalo Hindi ko Siya makasama sa oras ng paghihirap nia diko Siya maalagaan Kasi nasa covid ward Siya..Yung napapanood ko nun sa TV akala ko Hindi mangyayari sakin pero sa awa ng diyos nabuhay anak ko..fighter siya

VIP Member

Napaiyak ako dito,sis,grabe naiiyak talaga ako. Ewan ko bilang nanay siguro sobrang babaw ng luha ko hanggang ngayon na nagtytype ako naiiyak ako. Sana pagaanin ni Lord yung nararamdaman niyong sakit na mag-asawa.🙏 Nabuhayan ako dun sa bandang baba ng story mo ,sis, na binyayaan kayo ulit ni Lord ng panibagong anghel. Mag-ingat po kayong lagi,sis. God bless you po at ang inyong pamilya🙏🙏🙏

Napaiyak ako dito sa kwento mo sis laban lang.. Isipin m nalang na mas safe siya kay god hndi na siya mahirapan pa.. God bless u din kc ang tapang m bilang isang magulang para sa anak mo

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan