Hi mga mommies ganito din ba mga asawa/partner/bf nyo?
Dito kasi kami nakatira ngayon sa bahay ng biyenan kong hilaw, sa tingin ko naman kaya namin bumukod kasi maganda naman work ng partner ko. Pero wala pa talaga siya balak bumukod. Ang plano niya is mga 2-4 years pa daw namin kaya bumukod. May sarili po akong bahay mga mamsh ayaw niya daw dun kasi kesyo maliit, mainit walang parking, dami dami niya alibi. Meron kami isang anak, 6 months na siya today. Sa malayo kasi nag wowork yung partner ko at umuuwi lang once a month for 3-4 days. Yung partner ko na 31 years old na mas madalas pa siya dumikit sa nanay niya kesa sa akin. Yung minsan na nga lang siya umuwi, Yung tipong mas matagal pa tinitigil niya sa kwarto ng nanay niya kesa sa kwarto namin. Ako nga etong halos ni hindi na makauwi sa bahay namin at makasama ang family ko dahil iniisip ko yung baby. Ako nga hindi na ako dumedepende sa desisyon ng mga magulang ko. Tapos lahat ng plano namin imbes na ako tanongin nanay niya ang tinatanong. Wala naman sanang masama mag tanong siya humingi advice kaso parang naiitsapwera ako. Para lang akong naging tagapag alaga ng anak niya. And for example pag may mali akong nagawa kasi first time mom ako ang sasabihin sakin hala!!! lagot ka sa mama ko. Kakaloka mga mamsh!!! Gusto ko na nga sabihin sa partner ko na ako ang nanay lola lang siya. Pati papa niya napakapakialamero!! Porke ba dito kami nakatira sa kanila. Gusto ko na talaga bumukod kami di ko lang masabi kasi alam kong mama's boy tong partner ko. Napakamama's boy!!! Kainis! Di ko naman masabihan baka naman sa kin pa magalit. Ganito din ba kayo mga mamsh? Ano dapat kong gawin?
Anonymous