13 Các câu trả lời
sabi noon, yung bigkis po ay para hindi kabagin, hindi maging butete ang tiyan... ginamitan ko ng bigkis baby ko sabi ng byenan ko, kasi iyak nang iyak si baby. baka daw kinakabag kaya nilagyan ng bigkis. pero isang buwan lang ko sya ginamitan kasi parang mas nakakasama. laging nagbabackflow yung milk kahit maluwag pagkakatali.
Nag-attend ako recently ng webinar about newborn care. The pedia said na hindi na recommended ang bigkis ngayon. Kung lalagyan man, dahil gustong pagbigyan ang makukulit na in laws or parents, dapat ung hindi masikip. Ung sakto lang. Pero generally, hindi na talaga siya advisable.
hello po gamit ko yan sa first Lo ko...at gagamitin ko ulit sa padating🙂para po kc sakin hndi kabagin c baby pag naka bgkis cxa at may korte ang katawan nya pero ang pnaka importante sakin d cxa kabagin nung baby🙂
Lahat ng anak ko di gumamit ng bigkis. Ok naman sila at di kabagin. Ok naman ang shape ng katawan. Mabilis din nag heal ang pusod. Mga masayahin na baby sila. At gagawin ko pa rin yan for my next baby.... 😊
yung bigkis ginagamit dati ng mga nanay natin sa atin yan para daw yung pusod daw ay hindi maging bural at di kabagin ang bata..pero totoo naman talaga kasi subok ko na yan sa 3 kong anak
baby ko po never gumamit ng bigkis. Binawal kasi sa hospital and nung bumalik kami for check up nagalit sila sa mga mommies na binigkisan ang mga anak. Dina po kasi advisable!
okay naman gumamit ng bigkis gamit ko yan ngayon sa baby pag tapos maligo bibibigkisan ko para iwas kabag. Sabi ng pedia not required na daw pero na sayo pa din naman eh
Hello, not suggested po ng pedia ang bigkis. I didn't use it sa new born ko and wala namang issue. Mas nakatulong din syang mabilis mag heal ung pusod ni baby.
gamit ko po bigkis sa una ko baby never po sya kinabag at gagamit po ako uli pag labas ng baby ko tradisyon po ng probinsya hehe
para di mapasukan ng dumi Ang pusod ni baby at para di mapasukan ng hanging ang baby