left side or right side
Hi mga mommies. First time mom here and I'm five months pregnant. Sino dito katulad ko na di mapakali sa pagtulog? Sabi nila left side dapat matulog kapag preggy kasi madaming benefits na maitutulong kay baby pero mas sanay ako sa right side. Kayo po? Anong side kayo pag natutulog? :)
Sanay din ako sa right side minsan nga nagigising na lang ako nakaharap na pala ako sa kanan hehe. Pero tuwing matutulog ako left side lying talaga position ko.. pansin ko din pag right side lying ako galaw syanng galaw kaya iniiba ko agad position ko sa paghiga baka kasi d sya kumportable
Both sides are okay. But LEFT SIDE is BETTER kasi continuous yung daloy ng dugo and oxygen kay baby. Saka ibang organs nasa right, may tendency maipit mas mahihirapan ka. Pwede naman salitan sa pagtulog eh. Habaan nga lang yung sa left side.
Left po talaga yung require na pag tulog. Dati right side ako sanay pero nong preggy nako sinanay ko sa left side. Pag na ngalay tihaya ako tas balik naman left side. Mas importante kasi kalusugan ni baby
Left side lang po ako, dikona madala si baby pag mag ra'right side kami parang ayaw nya sa pwesto na yun.😅 tapos pag left side naman tlagang sisiksik sya e nagwowory naman ako baka napipitpit si baby.😂
Left side dapat kasi mas less ang organs na maiipit compare pag right side, pag tihaya marami ding veins na maiipit. tiis tiis muna po both benefited naman kayo ni baby if left side sanayin matulog..😉
Early months preggy ko right side ako natutulog kc NASA left side baby ko naiipit xa.,pero start ng 5months ko lumipat xa sa right side kaya left side na ako natutulog..I'm 25 weeks now 😊
Dati po sanay din ako sa left side, kaso lumalaki na si bibi..nakakangalay na pag sa iisang side lang, kaya alternate na ako sa left and right..pag tihaya naman hindi makahinga 😅 #33w1d
Nung preggy pko..mas madalas na sa left side ako natutulog kc un nga daw ang tamang position...and 6 mos.pataas nung di nko mapakali sa pagtulog...pero normal lng daw un..
Ako, minsan gusto ko nakalapat yung likod ko eh. Nilalagyan ko na lang unan, pero paleft pa din yung mismong katawan ko. Pero tinatry ko na mostly sa left ako nakapwesto.
Same tau momsh. Right side din ako comfortable. Kapag left side ako saglit lng kc naiipit baby ko sumisipa sya.. minsan pa nga nkatihaya ako ng higa pero mataas unan ko..
Queen of 4 handsome little heart throb