23 Y/O pregnant

hello mga mommies! First time mom here :) 4 months preggy na pero di ko po alam pano ko sasabihin sa parents ko. Masyado kasi mataas expectation nila sakin. Ni ayaw nila ko magka boyfriend or asawa in short sobrang strict nila. I don't care kung ano sabihin ng mga chismosang kapit bahay sakin pero yun din ang pinakaayaw nila, ang mabahiran ng madumi image nila. Sobrang natatakot ako sabihin, di nila alam na may boyfriend ako tas buntis pa. Di ko alam kung pano sasabihin kasi ayoko may mangyaring di maganda sakanila. Masyado kong concern sa health nila. :(

67 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same case tayo before sis. Pero sabihin mo na sa kanila habang maaga pa. Syempre magagalit sila nadisappoint sila eh. Pero mawawala din yun. Tamo nga ako ngayon. Nung nabuntis ako okay naman ako sa parents ko lalo kay mama inalagaan nya talaga ako. Si papa ayaw nya lang na dun ako mag stay sa boyfriend ko kase ayoko pa nga pakasal kaya lage akong tinatalakan ni Papa nun. Pero ngayon, kulang na lang itakwil ako ni Papa kase parang si Baby na yung anak nya hindi na ako. 😂 In short sis sa una lang yan mahirap pero pag labas ni Baby magbabago din yang mga yan. At walang magulang na nakakatiis ng anak. 😇💕

Đọc thêm