Induced labor. Welcome Baby!

Hello mga mommies! Finally, I get the chance na mashare ko din ang experience ko with my delivery sa first baby ko ? Pasensya na po at medyo mahaba ? August 16, 2019 I had my weekly check up and I was 39 weeks and 1 day that time. No signs of labor and contractions kaya inadvise ng ob ko na iinduce ako the following day. Baka daw kc lumaki pa c baby and baka mahirapan ako. Last utz ko is 6lbs and 7oz na c baby, normal pa naman. Niresetahan ako ni doc ng 3 primrose para palambutin ang cervix ko. August 17,2019 Nagpa admit ako sa hospital bandang 3pm, inay. E ako and still 1 cm (btw I was 1cm since before that week). Nagstart mag induce sakin mga 4:30pm and ok pa pakiramdam ko. Dumating si ob mga bandang 6:50pm,inay.E uli and mga 2cm na. While waiting, nagawa ko pang magsquat and maglakad2x para mapadali ang progress. By 10pm 2-3cm na ako. Habol sana namin ni doc makapanganak ako kc birthday din ni partner that day, pero ayaw pa ni baby lumabas. Habang tumatagal lalong sumasakit contractions ko, nag aactive labor na ako. Bandang 1am, 4cm na ako and sabi ni doc maganda daw ang improvement ko and baka manormal ako. Mga 4am,nag 5-6cm na ako. Then nung 7am,ina.E ulit at naging 6-7cm na. Mas naging maikli na rin ang interval ng contractions ko and 3cm na lng sana lalabas na si baby. Kaso bandang 9am inay.E ako and still 6-7cm. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko and napabaluktot na lang ako sa bed at nagpapa massage sa tuwing sasakit na naman. Sabi ni doc, kapag wala dw progress by 10am,prepare na daw ako for cs. Nalungkot ako and disappointed kc gusto ko talaga manormal si baby. Pero pag dating ng 10am, na stuck na lng ako sa 6-7cm kaya pinatawag na mama ko and nagdecide kami na ics na ako. Halos mangiyak ngiyak na ako sa sakit nun. Feel ko na lalabas si baby kaso parang may pumipigil sa pagbaba nya. Ayoko ko din naman maging selfish na gawing normal pa din, ang mind set koblang nun mailabas ko c baby ng safe. While they are performing the operation, dun nakita na nakadouble cord doil pala c baby and mahigpit daw sabi ni doc. Kaya good decision na nagpa cs ako kung hindi baka napahamak na c baby. Nang marinig ko na c baby na umiyak, halos maiyak na din ako kasi naghalo na ang emosyon ko dala na din ng pagod sa paglelabor. Pero hindi ko naiyak nang husto ksi nahihiya ako sa mga staff sa delivery room ? August 18, 2019 10:57am 6lbs and 8oz Lumabas ang baby boy ko! ??? Worth it lahat ng hirap at pagod nang marinig at nahawakan kita baby. Thank you dahil d ka sumuko. I love you baby! ?

90 Các câu trả lời

Same! Ako na nmn 41 weeks na nun kahit na gusto ko talaga na normal Hindi talaga I did my best pero na CS talaga sobrang delikado din kasi, 😢😢 sobrang sakit talaga pag active labor na huhu

Oo nga mamsh.. May iba talagang plano si Lord sa atin. At hindi ko ma explain kung saan humuhugot ng sakit sa paglelabor hehehe

congrats mommie 😊 buti nlang nagpa cs ka, nkasama mo si baby mo na cutie 😍👶🏻 baka npahamak na pag nag normal kpa 😢

Pareho tau sis. Emergency cs dn s akin. Ang tagal dn bumuka cervix ko. Gang s nag pupu n c lo ko. Ayun kailangan n dn ma cs.

congrats mommie 😊 buti nlang nagpa cs ka, nkasama mo si baby mo na cutie 😍👶🏻 baka npahamak na pag nag normal kpa 😢

Oo nga mommie.. A little bit disappointed pero nang malaman ko ang dahilan, hindi ako nagsisi at nagdecide akong magpa cs 😊

Induced labor din ako pero hindi nag-open ang pwerta ko and nagbago ang heartbeat ni baby bumaba kaya kelangan e cs.

Same experience here, sa case ko naman placenta previa rw but Glory to God at nairaos din. Congraats momsh!!

Same tayo. Sakin naman na-stuck sa 4cm.. nag tansverse na pala sya. Anyways, congrats!

The same scenario Tayo momshie😍😍😍Ang hirap maglabor pero Ang bagsak ko naCS din😊

True momshie 😍

Congratulations mommy! https://www.woopworld.ph/l-gvuhbwze?inviter=258114&lang=

VIP Member

Ang cute ni baby.. good decision po 🙏 happy for both mommy and baby. God bless 💕

Thank you po. Buti hindi po kami pinabayaan ni Lord 😊

Câu hỏi phổ biến