1 week delayed pero Negative?
Mga mommies, bakit po kaya ganito ang result kahit regular naman nakong magmens mula nung 2 months old ang baby ko? (EBF ako sakanya mula pagkapanganak hanggang ngayon) Supposed to be January 24 ako dapat magkakaron pero March 2 na ngayon dipa rin ako dinadatnan? Masyado bang maaga ang pag-pt ko? Medic nga pala ang brand nung pregnancy test. #pleasehelp 😔
pa check up ka po sa OB. madaming reason why bjglang nagbabago ang cycle naten. Before regular din menstruation ko, hanggang naging irregular at nalaman kong may PCOS na pala ako kaya hindi na ako dinadatnan. pa consult ka na po sa OB.
Hi momshie. Hindi talaga maganda yung Medic na brand. Di masyado nappick up yung hcg. Pero dapat magkaka-faint red line siya if positive ka. Try mo bili ka ng Pink Test na brand, mas okay yung brand na yun :)
bugok na egg cell po pinoproduce nya. kaya mahirap makapag conceive ang mga gustong magbuntis. mahirap po magka PCOS kase masisira talaga ang cycle ng menstruation nyo. mag ge gain ka pa ng weight, hindi ka nawawalan ng mga pimples😭😭😭
Hi momshie, try another brand of PT. Medic has weak dyes talaga. Sa akin clear sa all other brands, sa Medic lng faint kahit same ihi ginamit. Also, pa check ka po sa OB pag may time.
kung ob ko tatanungin, maaga pa magtest. 4wks delay ang inadvise nya sakin para if ever man na buntis tlga ko, tapos na yung window for chemical pregnancy
Being delayed can be caused by a lot of factors po, pero if after another week or two hindi ka pa rin po dinatnan, try mo na lang uli mag pt 😉
try mo after a week ulit tapos unang ihi pagkagising. Ang kukunin mong sample is gitnang ihi, wag yung unang patak. ☺️
i suggest magpa serum test ka po. para maka sure ka kung pregnant ka or hindi. 😊
ako din. supposed mens ko jan 6 until now la.pa.din. march 15 ob sched ko. sana mabigyang linaw
UPDATE: MAY BROWN DISCHARGE NA LUMABAS SAKIN. NO SIGN OF CRAMPS. ANO PO IBIG SABIHIN NON? 😊
Try again using a different brand. Sa experience ko di masyadong maganda ang Medic.
Try nyo po ulit😊much better kung madaling araw magtest ng urine po.
Nurturer of 1 angelic daughter