Mga mommies, ask ko lang po, may pregnant din ba dito na nahihirapan magpabigat or magdagdag ng timbang? Ok naman kami ni baby, healthy naman. Kaso sabi ng OB ko hindi daw normal na di ako nag gain ng weight kasi macocompromise daw ng growth ni baby. Ang lakas naman namin kumain. Magana ako kumain, hindi kasi ako nakaranas ng paglilihi o pagseselan sa pagkain. Kumpleto rin ako sa vitamins and nagffruits palagi. Niresetahan nya ko ng gatas na Threptin. Problem is, nakailang mercury drug na po kami, wala kmi makita. Sabi ng staff, baka sa Ob ko lang meron. Wala naman stock ung OB ko ng ganon gatas as of now. Any recommendations? Should I be worried about my weight na same same pa rin kahit 5 months pregnant na ko? Salamat po.
Aje