Back Riding
Hello mga mommies, ask ko lang po if safe pa rin umangkas ng motor kahit buntis kna? 7weeks preggy pa lang po ako. Salamat po sa sasagot ???
Ako nag back ride kahit buntis. Araw araw hatid sundo sa work ni hubby. Tapos pag weekend byahe pa bulacan kasi umuuwi ako sa parents ko every week end. Kahit mag pacheck up nakamotor Din. Nakapag bohol pa nga din kami nung first trimester ko. Tapos motor lang gamit namin panglibot sa bohol. Haha. 😂
Đọc thêmDepende sa lagay nio po.. If hindi po maselan pagbubuntis nio then ok lang.. Sa part ko kasi healthy ang pagbububtis thankfully kasi hanggang ika 6months ako ngddrive ng motor and angkas kay hubby din, also ika 4months din ako sumasakay sa armored car na astang walang shock absorber hehe
ok lang naman siguro lalo kung di ka naman on a high risk pregnancy kasi ako nga malayuan pa bayhe namin nun tska di ko alam na buntis na pala ako nun biruin mo 6mos na tyan ko nung nalaman namin na buntis ako tsaka ingat lang din lalot alam mo na buntis ka!Godbless!
ako 11 weeks n pregnant mas prefer ko umangkas kay hubby kaysa mag commute going to work and going back home..pag hapon na kasi andyan na yung magsusuka na ako mas hassle kung mag co-commute..mas comfortable and relax ako sa pag angkas sa motor😊
Back riding the whole pregnancy period 🙋♀️ I would not say it is advisable, pero kung walang complications/di maselan ang pagbubuntis and di malayo ang byahe also nasa tamang position sa pag backride (yung naka pambabae) that is enough to be ok
mommy stop na po ang sister KO nanganak ng preme kasi palaging umaangkas sa motor ng husband nya papuntang work. pls lg po ma's mabuti kung mag jeep na lg kayo or magrest na lg po.maraming case po ngayon nanganganak ng Hindi pa kabuwanan.ingat po
Ako momsh, nagconsult sa OB. Depende siguro sa sitwasyon ni Baby. Nagstop lang ako magback ride nung 7mons na ang tummy ko. Si Husband kasi ang nagdidrive so mas naiingatan nya. Saka ang sakay ko nakatagilid lang lage. Better to ask your OB 1st.
9weeks nung muntik na ko makunan, kasi umaangkas parin ako sa motor nun hanggang sa naaksidente kmi ng partner ko sa edsa tapat mismo ng megamall. Kaya simula nun di na ko umangkas. Kahit sobrang ingat di natin masasabi ang aksidente..
As long as malakas kapit ni baby sis. Ako 6th month ko na nagddrive pa rin ako nang motor pero dito na lang sa barangay namin yung malapitan, dati kase nagddrive ako papunta at palabas nang work ngayon binabawalan nako ni hubby
Safe naman sya sis as long na wala kang nararamdaman na masakit sa tummy mo while nkasakay ka. tpos laging pa side lng upo mo wag ka bubukaka. Ako 8 months na pero still nagbabackride pren sa motor ng asawa ko.
april9 ako naangkas lng ako sa motor if magpa prenatal tsaka di naman malubak sa amin hehe
expecting mother after 15yrs of waiting