Hello mga mommies, ask ko lang po if normal po ba tong nararamdaman kong sakit ng tagiliran ko sa may left side. Pati yung ilalim ng tyan ko banda sa may ibabaw ng kipay. Yung parang nabugbog sabay nagkapasa. Ganun po yung sakit niya. Hindi ako makalakad ng tuwid at maayos, pag nakahiga naman di ko maangat yung mga paa ko basta basta kasi sobrang sakit talaga. Active naman po si baby ko, palagi siya gumagalaw galaw. Worried lang po ako kasi next week pa po balik ko sa OB ko. First time mom po. ☹️sabi po kasi ng iba normal lang daw kasi lumalaki si baby at nababanat yung matres ko. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #pregnancy