Walang gana kumain!
Hello mga mommies, ask ko lang kung normal lang po ba sa 11 weeks of pregnancy ang mawalan ng gana kumain.?
magresearch ka po ng mga tungkol sa pregnancy, mga bagay bagay na normal na mararamdaman at kung ano ano mga changes na mararamdaman mo through out your pregnancy journey para alam mo ano mga normal.
same here. gusto ko na matapos 1st trimester baka sakaling d na ganito pakiramdam. ang hirap ng nagugutom ka tapos d mo alam kung anung kakainin tapos minsan isusuka pa.
Ako rin ganyan ngayon lugaw na kanin lang walang sahog at nilaga pechay. Weird. Nasusuya ako sa beef, chicken pork at seafood. Pero nanonood ako ng mukbang.
Đọc thêmyes po lalo na yun kanin ayaw na ayaw ko dahil sinusuka kolg puro prutas lg po tlga hanggang 3months po wala gana kumaen 😏
napakahirap tlga mglihi,maselan ka din ba mommy ,ako d man ako umiinom ng tubig,pg umiinom ako pra akong namamatay..😔
Same here. 7wks 5days preggy. Nasusuka ako agad kapag nakain ako kanin. Kaha nabawi nlng ako sa fruits and milk.
Yes po. sa 1st trimester mawawalan ka ng gana kumain then sa kalagitnaan ng 2nd trimester ka magstart magtakaw .
yes normal. po yan ganyan po ako last few weeks pero ngayun 17-18 weeks ok na ginaganahan na po ako kumain
yes for me normal yun sis... pero pilitin mo sarili mo kumain ng healthy foods need nyo yun ni baby.
normal yan ako 10 weeks hnd ako nag hahanap ng paqkain.lagi akong nasusuka