shempre yung gatas nya since 4 months old palang sya dapat hand carry kasama na dun diaper, alcohol, wipes, towel pang burp or lampin na malaki. kapag may bata ka na kasama below 2 yrs old, pwede ka magpasok ng tubig basta wag malaki. ang teknik jan kapag magtetake off na yung plane tsaka mo ipadede sa kanya yung milk para kapag lumulunok sya eh nawawala yung pagkabingi dahil sa high altitude. pwede mo din pala irequest na sa aisle ka ipwesto just in case magpapakarga si baby madali ka lang makakatayo, dala ka din maliit na unan pang support kay baby.