Rashes ni baby..
Mga mommies ano po kya mas effective na pwede igamot sa rashes ng baby ko, na try ko na calmoseptine at drapolene tsaka petroleum vaseline at fissan pero wala parin, parang lumala lng lalo.. Super nakaka stress na..😭
hi mommy, better pa consult nyo po sa pedia. para may maireseta ang pedia na better cream para mabilis mag heal.. sana po mommy di nyo na pina abot sa ganyan. kawawa naman si baby. ito po tips. use drapolene every after change. or use calamine (zinc oxide naka sachet) every after change. wash nyo po ng water, wag po muna wipes. use cetaphil or any hypoallergenic cleansers. last, wag mo muna idiaper. tyagain nyo po muna using lampin. gawin nyo po mga nabanggit para mabilis mag dry po at gumaling rashes ni baby. 😉❤️
Đọc thêmWag kasing kung ano ano ang nilalagay. One at a time lang po, kung within a week walang nakitang changes, tsaka magpalit. Ang anak ko nagka ganyan dati, nirecommend ng dra niya na petroluem jelly, after a week, no significant changes at mas dumami pa. Kaya bumili ako ng fissan prickly heat kasi naaalal ko very effective yun sa akin sa ganitong panahon, after few days, naging okay naman anak ko. Kaya one at a time po, wag paiba iba nilalagay kasi yung ingredients nila, posibleng nagkacounter effect.
Đọc thêmwag mo munang diaperan be, wag gumamit ng wipes.hugas lagi with soap at laging patutuyuin bago suotan ng lampin o shorts.wag ibabad sa ihi. sobrang kati tignan nakakaawa.pacheck up nyo na mamsh para mabigyan ng tamang gamot. pero kung di pa mapacheck try mo muna ng walang kahit ano na ilagay.basta dapat laging tuyo at malinis.again, wag lagyan ng kung ano ano, air dry o dampi ng lampin pagkaligo para matuyo.sabunan at banlawan ng maigi.
Đọc thêmlampein na lng poh muna c baby mommy.. & better use warm water for cleaning every nagpoop & weewee.. espcly kng nsa bhay lng poh kau.. kxe mainet poh tlga ang diaper sa ngaun.. & try nyuh rn poh palitan ng brand diaper nyah.. ung drapolene.. subok kuh na rn poh sa 1st baby boy & grl kuh.. tas kontng powder after madry nung nilagay na drapolene.. & bxta lagng fresh poh ung downpart ni baby.. 😊
Đọc thêmMas malala pa jan sa Anak ko dati 3-4mos pa lang sya as in sunog na tlg ung balat kahit ano anong cream din kc ginamit ko tyagaan lang lagi dapat tuyo ung skin ni baby tapos drapolene ipahid mo lagyan mo fissan and kapag madali na sya gumaling and dry na sya huwag mo na lagyan ng drapolene fissan na lng lagi.tapos huwag muh e diaper pabayaan mo lng wala suot.takpan mo lng malambot na lampin.
Đọc thêmHi mommy! You might want to consult a pedia po baka po kasi di na pangkaraniwan na rashes. But you can try not to put diaper muna kay baby kahit ilang oras para makapagrest po siya in using diaper then always dry po yung area and wash with water every iihi siya. Sa cream naman po ang siggestion samin ng pedia noon is rashfree or desitin po. magpahid ng small amount every after diaper change.
Đọc thêmwag mo pong kulubin muna at ung diaper po gamit nya d po hiyang sa kanya momsh kaya po d gumagaling yan kasi dahil na din sa diaper tapos po linisin mo po ng tubig with soap na mild tapos patuyuin mo po mabuti pahiran mo po ng zinc oxide +calamine tapos po lagyan mo ng fisan para matuyo ng husto need po kasi nyan dry palagi nababad po siguro sya sa ihi.. sana gumaling na sya
Đọc thêmIwasan ang paggamit ng wipes yan ang isa sa nagiging cause ng rashes as per my los pedia much better to clean your los private part sa direct warm water kase mas nalilinis unlike sa wipes na di ganun kalinis at nagkakaroon pa ng bacteria yan yung nagiging rashes. Kaya sa 3 los ko never ako gumamit ng wipes kaya di ko naging problem ang rashes sa kanila
Đọc thêmWash using warm water. Do not use wipes it can cause irritation sa skin ni baby. Always change diaper minimum of 4hrs or as needed. Put a petroleum jelly before putting the diaper. Make time na wag lagyan ng diaper, 1hr or 2hrs para makahinga naman, lampin lang. Tyaga lang po. If the irritation is still the same, better consult the pedia.
Đọc thêmhello, try nyo po Elica super effective. Suggest ko din po na wag muna mag diaper si baby, use lampin po muna para makasingaw at don't use po muna ng wipes at maari tuwing umiihi at nag poop si baby use water to clean it di dapat mababaran private part ni baby para iwas irritation. Hope your baby well get better as soon as possible 🙏
Đọc thêm
Mommy of 1 active magician