Hi, mga mommies. 3.5 months old na yung baby ko and stay-at-home mom ako. Napansin ko lang na lately, parang nagsasawa na yung baby ko saken. Ayaw nya makipag usap saken, di ko sya mapatawa and minsan ayaw nya sakin magpahele. Wala naman syang sakit o kung ano mang nararamdaman kasi pag sa ibang tao, nagrereact sya at nakikipaglaro sya. Kaya feeling ko tuloy nagsasawa sya sakin kasi di sya ganon, minsan naiyak pa. Normal ba to or I should do something? Hoping for your insights and recommendations. Please, don't judge kasi hands on and full time mom ako. Thank you.