37 weeks 5 days (3-4cm open cervix)

Hello mga mommies 1st time mom here, kagabi po 3 cm going 4cm na ko and may pain na rin po ako na nararamdaman pero tolerable pa rin until now (not sure kung dahil medyo mataas lang ang pain tolerance ko),may blood show din po, any advise para mas mapabilis pa po yung pag labor ko at pag open ng cervix, aside from walking and squatting ? ang hirap po kasi magpabalik balik sa lying in , pag hindi pa po kasi malapit pinapauwi lang din. Pwede po ba ko uminom ng evening primrose oil and pano po sya inumin, thank you

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Depende po sa pag reseta ni OB. May iba 3x a day o pinapasok sa pwerta pero ako twice a day lang pinapainom ni OB. Dapat pinaadmit na kayo nyan kasi ako 3cm at 37W4D di ako pinauwi kahit anong pilit ko na kukuha lang ako ng gamit kasi anytime pwede pumutok panubigan ko daw baka mag dry labor ako kung galing pa sa bahay naglelabor ako mas mahirap yun. Monitor nyo lang po talaga baka akala nyo ihi amniotic fluid nyo na pala at sa contractions nyo kung ang interval ay 3-5 minutes na, means malapit ka na po. Sana makaraos ka na mommy. Have a safe delivery po :)

Đọc thêm