12 Các câu trả lời
first time po naming punta sa ob at 9wks, chineck na po if meron nang heartbeat si baby. meron na nga po. :) next time naming punta nahirapan po yung ob na hanapin yung heartbeat. mini panic. akala namin last visit na namin yun sa ob. yun pala nagpalit pala ng gel yung clinic and hindi sya ganun ka effective. buti nalang may natira pang isang packet nung usual na ginagamit ni doc and ayun agad naman naming narinig yung heartbeat ni baby. so ayun po, baka sa gel lang po na ginagamit nyo. dapat po di sya waterbased para mas effective.
10 weeks usually pwede na marinig sa doppler, lalo na kung payat po si mommy. But take note, mga OB lang po ang gumagawa nun.. Hndi po ina-advise ng mga OB na mag doppler sa bahay if too early kc baka hndi nmn ung fetal heart beat ang naririnig ng mommy. Pwede kc maternal heart beat or baka souffle lang.. OB here po 😊
It varies depending on your body built. Kung mejo chubby ka at mabilbil, wala pa po kayo maririnig. Pero petite ka and walang bilbil,suppose to be at 12 weeks may maririnig ka na..
may narinig na sa akin nun. ob ko ang naghanap. edyo nahirapan kasi maliit at siksik pa sa ilalim pag ganyang weeks kasi. best ay 4-5months.
ako 15 weeks nung nadetect sya ng portable doppler ko. which is sabi din sakin ng OB ko na di agad maririnig sa mga low end na doppler.
Same po tayo mag 18 weeks nako pero sa petal doppler diko pa rinig ang heart beat nya ano ba dapat kong gawin?
Yes ma pag makapal fats natin mahirap talaga madetect ng mga low quality doppler, kaya di sya nirecommend ni ob e. Nakaka cause lang daw ng panic.
it depends po . saken kasi 11 weeks malakas na yung tunog sa doppler Nung nadetect ni ni OB
Same miii, saken 12weeks rinig na po 🥰
16 to 20 weeks po usually sis. Maaga pa ung 12 weeks para my marinig sa doppler
yes iba iba yan. kaya inadvice nlng ni ob is 16 weeks pataas para sure at hindi mastress si mommy kapag nagcheck sya ng maaga mag alala sya na walang narinig na hb ng baby.
Ako po 12 weeks narrinig na po sa doppler ko un heartbeat po ni baby
.. 16 weeks mostly naririnig si babY sa doppler mie
Ely