28 Các câu trả lời
hi mommy. kahit gasgas na tong iaadvise ko sayo, wala tayong magagawa kundi ito lang hehe. drink more water, avoid consuming lots of red meat, eat fibre enriched veggies and fruits. sample po nito, hinog na papaya. very effective. kahit isang slice lang every meal. oats may help, too. iwasan po umire pag magpoop. better na kapag nafeel nyo nang lalabas na sya magcr na. wag po kayo magpipigil kasi nakakadry ng pupu ito. lalo kayo mahihirapan magpoop.
hi mami..i am currently on my 33rd week today and thank God d ko po naexperience yan mula simula siguro kasi adik ako sa fruits til now and more water po ako. praktisin mo po un ganung habit and iwas o control sa fatty foods..and everytime kausap ko asawa ko humihilab agad chan ko den poop ako right away 😅, legit pong panglaxative ang boses ng asawa. try nyo po
oo mi may pag asa naman lumambot gnyan din ako to the point na dinudugo ung sugat ko sa pwet may sugat kse ako simula mabuntis ako. Minsan sa sobrang tigas parang ga kambing bilog bilog pa nilalabas ko o kaya maunti pero matigas 🤧 napaka sakit napapaluha ako pero wag kanh msyadonh iiri baka si baby ang mapush.
Ganyan po nangyare sakin kahapon lang ako tumae kase 4days na dpa ako tumatae niresetahan ako ng suppository ng ob ko kase dko na tlga kaya nakatae ako pero sobrang takot ko kase matigas pa dn tae ko at iniire ko natatakot ako baka kase pagire ko maiire ko baby ko eh bedrest pa ako tas 7weeks 6days palng ako 🥹
ako ganyan nung hanggang 4 months halos grabe din atake sakin ng almuranas dahil hirap nga ako sa pag dumi .. ginawa ko umiinum ako ng maligamgam na tubig mga 2 baso pagkagising o bago kumain ng almusal. tapos every morning and evening after ko kumain umiinum ako yakult. ayun naging ok pagdumi ko .
ako po prune juice. sa mercury lang ako nkabili, mura lang un mii kulang 300 ata.. more water pa din sakin pero kapag hindi na ako nka poop ng 3 days. iniinuman ko na ng prune juice effective sya. pero half glass lang ang pag take ko kasi malakas tlga sya makapag palabas ng dumi.
try nyo Po: oatmeal 8 to 10 glasses of water daily green leafy veggies like kangkong or lettuce soft meal like lugaw ganyn din aq Ako during 1st trimester pero di ho aq nag gamot. sinabi lng Po sakin ni ob na try munang mafiber or soft meal.
Hi po! same po tayo ng experience nun and ni recommend po saakin ng ob ko is kain lang po ako ng dragon fruit. More on fruits lang po and wag muna mag take ng any medications. Still, it's better yo consult your ob po muna.
sis try mo oatmeal lagyan mo ng gatas kung anong gatas na iniinom mo un kainin mo sa gabi bago matulog kinabukasan lalabas yan ☺️ ganyan lang ginagawa ko sa awa naman ng dyos araw araw ako na dudumi pag un kinakaen ko
Mamsh ako rin! Pero i tried lemon water isang tumbler lang. Then pag kumakain eh water in between para di puro solid food. Try mo mamsh.. Tska more water talaga ung tipong busog ka sa water. Effective talaga
Anonymous