High pus cells
Hello mga miii. 37 and 2 days na ko tapos yung pus cells ko is 30-35 last week yung result. Nakakaworry malapit na ko manganak. Sino din po dito mataas uti?
me Po, Mejo mataas puss cells ko. 5-8 lng. tapos pinag urine culture ako then may Nakita na bacteria. niresitahan ako ng gamot na sobrang mahal isang inuman tapos after one week uulit ako ng urine culture. ung Sayo mataas. pa reseta ka Po ng antibiotics TAs more water Po, iwas sa salty foods TAs buko juice. ingat miee
Đọc thêmMommy pagamot ka po at pray 🙏 mahirap kasi pag may UTI at malapit na manganak baka maipasa mo kay baby.. Tulad ng ngyari sa baby ko pero nagamot naman siya na NICU lang for 1week dahil sa sepsis.. Anyway magkaiba naman tayo kaya pray ka lang mi at sundin si OB kung may ibigay sayo reseta for antibiotics
Đọc thêmPareseta po kayo ng antibiotics sa ob niyo then bumili na kayo tapos itake nyo agad. Kaylangan nakakain na kayo bago uminom antibiotics.
As long as Nirecommend po sayo ni ob mo no problem po. Kesa naman po pag labas ni baby mo sya ang mahirapan. Sacrifice din po tayo mi. No to softdrinks, coffee po. Tsaka iwas sa maalat or may sawsawan na pagkain para bumaba uti and more water po.
at 33 weeks. at may UTI din po. under medication ako now at hindi ko na din alam kung paano mapapababa yung pus cell ko.
hello mamsh. 12 weeks ako nung nagpaurinalysis ako. ang taas ng pus cells ko. 10-15 tapos ganun din yung red pus cells ata yun. So , 1 week amox ako. di na sosoftdrink . no junkfoods din at coffee . nahilig lang ako uminom zest o . after nun urinalysis ulit yung redcells ko bumaba na 2-4 nalang but yung pus cell ko 20-25 . Shocks ako kasi di ko alam bakit ganun nangyari. Sinunod ko naman doctor . Tapos they asked me pano ko umihi nung kumuha ako sample ? sabi ko yung unang labas na ihi po . which is mali pala dapat daw sa gitna but still nag 3days amox ako kasi may blood pa din nga sa ihi ko at mataas pus ko. bawal din pala yung zest o . Mga tang na tinitimpla kasi may trace din ng albumin sa ihi ko . So tiis mamsh. More water , gatas , then buko juice na malamig. Nung 3rd urinalysis ko na ayon na 0-2 na lahat . and negative na sa albumin . Hope nakatulong ako mamsh . 😊
ako po. niresetahan po ko ng ob ko ng gamot and effective naman po. nawala po yung uti ko.
tuloy tuloy lang po inom ng tubig at pwede ka uminom ng juice ng buko
ganyan din sakin. 37 weeks din ako non. pinag antibiotic lang ako ng 1week.
Okay lang po ba yun mi? Open cervix and 1 cm na daw ako nung Thursday magpacheck up ako
Nag gamot po ba kayo Mi?