38 Các câu trả lời
i gave birth via NSD noon at Hindi nakaligo after manganak. aside sa iniinsist ng mama ko Yung pamahiin, Wala din akong tulog dahil sa kakaalaga ng baby ko na ayaw magpalapag gusto laging naka latch. umaga na sya nakatulog kaya sinabayan ko. minsan pag tulog sya dami Kong ginagawang gawaing bahay kaya wala tlga akong time maligo Kasi gigising nanaman si baby. pero pag kaya nyo naman pong maligo, ok lang po Kasi for hygiene reasons yan. nasa inyo na po kung susundin nyo Yung pamahiin or hindi.
Mommy mas maganda na po ang maligo dahil bubuhatin nyo po si baby. Mas prone po sa sakit kapag hindi nakakapaglinis ng maayos. Lumang paniniwala na po ang pagbabawal sa pagligo. Dito sa amin hindi talaga ako pinayagang maligo 15 days after ako manganak kahit laging pawis sa init ng panahon and punas lang ng towel ang ipinapagawa sa akin. Lalo pa napasama nag develop pa ako skin issues na need pa gamutin. Na-stress pa ako na baka maipasa ko sa baby ko.
First baby ko, mii normal delivery. Nagshower ako pag-uwi, kumbaga tumakas lang. Pero after that, one week na ang kasunod. Punas punas lang ng maligamgam na tubig and hugas ng private parts. After one week, naligo ako sa pinagpakuluan ng sambong. Probinsya feels. 😁 Tapos nun everyday na pero maligamgam. Second baby ko, CS. After one week din ako naligo at may mga dahon dahon din. Tapos nun everyday na at maligamgam pa din. 😊
1 week after ko manganak naligo naako maligamgam tubig. TAs kasunod nun twice a week naliligo ako. TAs ngaun na 1 .month na Mula ako nanganak 3x a week na ako naliligo maligamgam parin gamit ko. Sobrnag init po ngaun Kaya Ang lagkit maalinsangan sa katwan kpg d nakaligo. Kapag d nmn po ako naligo nagpupunas po ako buong katwan ,Ng maligamgam din gamit na tubig ,hugas sa private parts Ng maligamgam na tubig.
Next day after my normal delivery naligo na ako. Mas kailangan mo maligo everyday mi... dahil nandyan na si baby laging nakadikit sayo. At super init ng panahon ngayon pinapawisan palagi tayo. Kung pwede lang twice a day. Morning at before bedtime. Yung mga sabing binat wala naman kinalaman sa ligo. Natural lang na may mga nararamdaman after manganak dahil nag nagbabago na naman ang hormones natin.
3 anak ko, morning ako nanganak hapon discharge na. pagkauwi punas lang muna ng maligamgam, tsaka hilamos mukha. kinabukasan warm water naglinis muna ng katawan. then following day naligo na ako warm water din. wala naman kasi akong tahi sa kanila, kaya nkaligo na din ako kaagad. pero, kung kaya na ng katawan mo. ako kasi nilinisan ko nipple ko para pag magdede si baby walang plug duct or bara.
Paglabas ko sa hospital naligo na ako agad,sobrang init ng panahon ngayon at ang lagkit sa feeling kaya. tsaka parang mas magkakasakit ako pag di maginhawa pakiramdam ko. di rin kasi ako naniniwala sa mga pamahiin though di naman masama kung susundin mo wala namang mawawala. ako kasi mas sumusunod ako sa sinasabi ng ob ko.
🙋♀️ Nasa ospital pa lng ako ay naligo na ko habang nasa newborn screening si baby. Na-"very good" pa ko ng OB ko because of it. Araw-araw ako naliligo. Malamig na tubig pa gamit ko. Although I have to admit na refreshing din ang warm water na paligo lalo na pag medyo engorged ang breasta ko ☺️
Mas okay po maniwala sa may scientific na paliwanag kesa pamahiin. If feeling mo keri naman ng katawan mo ligo ka mi pantanggal din ng bacteria lalo nanggaling ka ospital. Pero if di gaano keri kahit punas punas/half bath go kasi magaalaga ka sa baby mo tapos wala ka ligo, unhygienic po masyado. 😁
Ako Mii naligo ako kaso apaka sakit sa katawan like naiiiyak nalang Ako kasi sumabay yung sakit Ng katawan na halos nanginginig nako tas pag iisip isip na baka mamatay Ako kasi ansakit din Ng tahi tas Ng sugat sa loob tas nanginginig kapa na dimo macontrol yung katawan mosa panginginig 😥😢
yanieee