Alam ko ang praning, mama, lalo na pag second baby at wala pang signs! Pero honestly, at 37+ weeks pa lang kayo kaya maraming possibilities pa, some babies just take their time, at yung Braxton Hicks (yung tightening at sakit) na nararanasan mo ay normal pa rin at hindi sure sign of active labour. Since may check-up ka bukas, perfect time to ask your OB directly kung feasible ang normal delivery ulit or kung kailangan mag-CS based sa baby's size at position, mas makakahinga ka if ma-discuss mo yan ng maayos with your doctor kasi siya ang makakasagot ng tama based sa full assessment mo. A few of us had bigger babies sa second pregnancy pero nakapagsucceed pa rin, pero iba-iba talaga, kaya walang guarantee until nakita ng doctor. Hang in there, you're almost there na!