Biyenan kong nakakainis Hahahha

Hi mga mii. Pa rant naman ako here ! Ftm ako at Nasa puder kasi ako ng asawa ko at kasama ko sa bahay ang mama niya. After 3mos ,bumalik na ako ng work siince naka Mat-leave lang ako ,at siya nagaalaga sa baby ko. Gustuhin ko man ipaalaga sya sa mama ko kaya lang nagwowork din . Normal ba yung nararamdaman ko, Sobra akong naguguilty pag iiwan ko sya lalo yung thoughts na baka mas maging close pa si LO ko sa biyenan ko soon 🥺 Nakakainis yung madalas pag uuwi ako sasabihin sakin, ganto pala yung gusto niyang pwesto, ganito pala yung ayaw niya etc.. Na kung ano man yung nakasanayan kong gawin sa LO ko nung ako pa nagalalaga sa kniya binabago niya lahat 🥺 na para bang mas alam niya ang gagawin, at feel ko sa ganong ginagawa niya, inaagawan niya ako ng role bilang nanay. Hindi ko alam kung normal ba yung feeling na ganon. Naiiniss ako 😤🥺 Nalulungkot ako everytime na magpopost pa siya nag video ng baby ko na siya ang kasama. Pero goods kami ng byenan ko po, mabait ang byenan ko sakin hindi ko lang maiwasan mainis na ganong part 🥺 Ganito rin ba kayo mga mii? Oh baliw na ako Hahahaha

34 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Mii hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ka sa biyenan mo imbes na dapat maging grateful ka at thankful sa extended help para sa LO mo. ako yan mga future crisis ko kung sino magaalaga sa soon to be baby ko. wala na ako mom, kapatid ko nasa abroad at isa nasa cebu with family, dad ko 70yrs old na may sakit. sa side ng hubby ko parents nya both seniors in their 70s din na may negosyo sa province na halos di na nga makauwi sa sobrang busy. kami lang ng mag asawa talaga na parehas working. Imbes na mainis ipagpasalamat mo kay God na may biyenan ka na nagaalaga sa anak mo in your absence. Mas higit na sigurado ka na mamahalin nya ang Lo mo kesa kumuha ka ng kasambahay kung saan. swertehan din ang pagkuha ng yaya sa ngayon. Thou we are able to get one sa mga agencies pero syempre mas mapapanatag ang loob namin kung kadugo namin ang makukuha namin. Lalu na yung sayo e MIL mo yan at apo niya yan. Siguro more on guilt feeling yang nafefeel mo kase di ikaw ang nakakakita ng mga milestones ni baby. Atsaka make that opportunity na matuto din from your MIL on how to raise a child minsan mas alam nila kesa satin na ftm. If i were you use that opportunity para soon na mawala man si MIL o bumukod na kayo e atleast may matutunan ka. Ako feeling ko mas comfy sa pakiramdam na aalis ako na alam ko na sila ang mag aalaga. Atsaka iniisip ko na lang kung gaano pinalaki ang hubby ko ngayon. Napakabuting tao ng hubby ko at responsable at pinagpapasalamat ko yun sa MIL at FIL ko kaya pag naiisip ko na kung sila man ang mag alaga sa soon to be baby ko e alam ko na mabuting bata din paglaki. minsan consider to reflect on your LIP or husbands attitude kase sa totoo lang nagrereflect yun on how they were raised by their parents or ng kung sino man ang nagpalaki sa kanila and sa environment nakalakihan nila. just be thankful mii pero if one day you think na kaya nyo naman na wag ka na din work at si hubby na lahat sa gastos then decide to be a full time mom for you Lo para di ka na nakakaramdam ng ganyan. Good luck mii sa inyo ni baby. ❤☺

Đọc thêm
Thành viên VIP

OP, hindi ka nababaliw. Hindi din yan kaartehan. Valid yung nararamdaman mo kasi bilang nanay na walang choice kundi mag trabaho sa labas at iasa ang anak nila sa iba, nakakaselos talaga na hindi mo magawang alagaan yung anak mo ng full time. May separation anxiety kadin yata kasi before ka bumalik magwork, I think sobrang close kayo ng baby mo. Pero hindi mo kailangan iblame yung MIL mo kung mas may alam sya paano alagaan anak mo kasi mas madalas silang magkasama so mas kilala nya na anak mo kesa sayo. A small consequence na kailangan pagdaanan ng mga working mom. Nextime, if sa tingin mo nababypass ng MIL mo yung pagiging nanay mo, sabihin mo sakanya in a nice way. Yung hindi sya masasaktan o maooffend. Pwede din namang makinig ka nalang sa payo nya, pero no need na sundin. Choice mo yun. Hindi naman porket nakakaramdam ka ng ganyan ay hindi ka na grateful. Iba iba lang talaga tayong mga nanay ng take sa isang situation o bagay. Either you communicate your feelings, or you ignore it. Yung ibang comments dito magdahan dahan kayo mag salita kasi prone pa sa Post Partum Depression ang ganyan kaaga. Nanay din kayo nagbabago hormones nyo from time to time. Pwede mag bigay ng opinyo pero dapat makatao.

Đọc thêm
2y trước

well said mga mamshie ko. ❤️

Wag kang mainis o sumama ang loob ang baby kasi habang nag-grow umiiba ang ugali at nag-e-explore kaya siguro sabi ng MIL mo "ganito pala kesyo gusto ni baby" tapos ikaw misinterpreted mo sinabi n'ya which is totoo na yun na ang gusto ng baby mo hindi sa dahil mas sanay dati si baby mo sa alam mo na ginagawa mo sa kanya mii.. nalulungkot ka lang kasi part ng postpartum at siempre may separation anxiety ka pa rin dahil ina ka eh look up the brighter side maswerte ka may umaalalay sa inyo big help yan for your family imagine yun iba nga nag hire pa ng nanny na di naman talaga nila kilalang lubos pero ipinagkatiwala baby nila.. kung ang instinct mo kailangan mong tumigil sa work para full time ka sundin mo iyon dahil hindi ka naman magsisisi kung ikaw ang magaalalaga sa anak mo, anak mo yan eh..

Đọc thêm

don't worry mi. unawain mo nalang sya, kasi tinutulungan ka din naman nya sa pag aalaga kay baby 😊 ganyan tlga ang mga lola , sabi nga nila mas naiispoiled ng lola ang apo nila kesa sa anak nila. and besides, aminin natin na hindi din biro ang pag aalaga ng baby, ang mga lola minsan meron din silang ibang kailangan gawin pero mas uunahin nila ang pag babantay kay baby. saka sila ay may experience na sa pagiging ina, tayo mga ftm o magiging ftm plng ay natututo plng. siguro makakatulong din makinig sa kanila minsan lalo kung para sa ikabubuti naman ni baby. tiis nalang muna hanggat nakatira plng sa puder nila. at kapag nakaluwag na syempre da best parin tlga ang bumukod pero hanggat kailangan natin sila unawain natin sila as long as hnd nmn nakakasama kay baby 😊

Đọc thêm
2y trước

Miss anonymous, sa totoo lang kayo po talaga ang may masama ang ugali dito. Wag ka nalang po magsalita o magcomment kung di rin maganda sasabihin mo. Normal po ang ganun feeling sa bagong panganak.

Wag ka mgalala kasi ikaw ang ina ng baby. Mrerecognize ka nya kht na iwan mo pa sya ng matagal kasi lumaki sya sa tyan mo. At ikaw lng ang nagiisang ina nya, maiintindihan mo din yan pg lumaki na ang bata. Ang dapat mo alalahanin ay lumalaking spoiled or matigas ang ulo ng bata kpg lolo/lola ang nagpapalaki skanila. Mgplan na kayo na bumukod habang maaga pa. kasi pg tumagal na aalagaan ni byenan mo ang anak mo mas mahirapan ka na ihiwalay si byenan mo sa anak mo. Iiyak si byenan mo at mgmamakaawa na wag na kayo umalis, tapos papakita nya sainyo na malungkot sya kasi ilalayo neo si baby skanya. Or sasabihin na iiwan neo skanya si baby para may kasama sya.

Đọc thêm

pag nagdecide ka mag anak, marami ka isa sacrifice. isa na jan ang career mo. dalawa lang naman yan, you continue to work, sacrifice mo pagiging full time mom, or you choose to be a fulltime mom, let go ng career mo. pinag isipan mo ba yan bago ka nagbuntis? kasi parng naging kasalanan pa ng in law mo. kung ako asawa mo magaglit pa ako sayo e. if you want to nurture your child the way you want to be, mag full time mom ka. iwanan mo career mo. and yung ungratefulness mo sender, di ko kinakaya. you have the best extended help from your inlaw tapos after all, naiinis ka lang pala sa kanya. i cant be nice with you. sorry.

Đọc thêm
2y trước

Same tayo sis ayaw ko yung feeling na mas may alam pa sya ke baby kesa sakin.

Mommy, ganito lang ang solusyon jan.. kung ayaw mong may ibang nag-aalaga sa anak mo at feeling mo e inaagawan ka na ng role ng MIL mo edi magdecide ka kung magtatrabaho ka ba o magiging full-time mom ka. Kasi kung magtatrabaho ka, no choice ka talaga kundi iwan sa MIL mo ang anak mo diba? Alangan namang dalhin mo siya sa working place mo. Kung magiging full-time mom ka naman edi wala na yung feeling na nagiguilty ka dahil hindi mo naaalagaan ang anak mo at hindi pa masisira relasyon nyo ng MIL mo. Decide for yourself.

Đọc thêm
2y trước

+1 po dito. alangan si MIL pa magadjust.

May part na naiintindihan kita sis pero kelangan magtiis para kay baby. Be thankful may nag aalaga sakanya. Valid yung nararamdaman mo sis. Ako nga ayoko maiwan baby ko sa mil ko hahahaha wala akong tiwala 🤣 may tiwala lang ako sa mama ko. swerte na lang naaalagaan sya ng mama ko. Though minsan talaga mag konting kurot pag napapansin mo na mas napapalapit baby mo sa iba. Kaya nga pangarap ko nalang din mag stay at home mom. Okay lang yan mi. Bawi tayo pag umasenso na at di na kelangan mag work, alagaan nalang si baby haha.

Đọc thêm

Normal lng naman mag feel nang ganyan mii .. baka may mom guilt ka rin kasi nag wowork ka at iba ang nag aalaga kay baby. Pero dapat thankful ka kasi willing iyong MIL mo na magbantay kay baby at mabait rin siya sa iyo. Iyong sa akin kasi kasama namin siya sa bahay pero hindi niya masyado pinapansin si baby at tsaka noong bagong panganak palang ako wala talaga siyang pakialam kahit nakitira siya sa bahay namin. kaya iiyak si baby kapag nakita siya. Naiinggit nga ako sa may MIL na ganyan. swerte mo mii ganyan MIL mo

Đọc thêm

Valid po yang nararamdaman mo mi. Naramdaman ko din yan sa yaya ng baby ko. Naiinggit kasi tayo na mas mahaba oras nila kesa sa atin. Im an engineer by profession pero simula ng nanganak ako, gustong gusto ko nalang maging full time mom. Pero need natin magwork para sa future ni baby. Look at the bright side nalang po. Pasalamat tayo at may nag aalaga at totoong nagmamahal sa baby natin pagwala tayo. Hindi po kasi lahat, maswerte sa yaya/lolang nagbabantay. Wag po natin silang kainisan, be grateful instead.

Đọc thêm