Mom guilt, ako lang ba?
Ako lang ba? Ako lang ba yung nalulungkot everytime na nakikita ko yung baby ko na mas magaan yung loob sa mama ko? After ko kase manganak, nagka heart problem ako dahilan kung bakit hindi hindi breast fed si baby at mas gusto kay mama since si mama nag alaga sa kanya nung mga panahon na wala ako. Nakakalungkot pala ng ganito no? Kahit naman gustuhin ko kase na alagaan sya buong araw, di naman pwede since nag rerecover pa ako and bawal pa bumuhat buhat at mag galaw galaw. Wala akong mapag sabihan ng ganito sa fam ko kase hindi naman nila ako naiintindihan. :( #newmom1stbaby #momguilt #mom
hi mamsh, hugs po, anoman po yung nararamdaman is valid po, since bagong panganak tayo, lalo na kung 1st time mom ang gusto talaga natin eh close satin si baby. pero sabi nga ng ibang mommies natin dito, palakas ka mamsh para soon eh ikaw na mismo ang makapagalaga kay baby, aside sa pagkarga pwede mo pa din naman alagaan si baby ibang paraan. wag ka magalala kilala ng babies ang mommy nila, 9months silang nasa tyan eh. I must admit nung few days after ko manganak, may ganyang insecurities din ako ang bilis kasi tumahan ng baby ko kpag ang may karga sknya mga lola nya, medyo nakakaselos pero later on narealize ko na iba talaga siguro ang karga at yakap ng lola, and ayun din idivert mo nalang ung feelings mo to gratitude since andyan si mama mo para tulungan ka during your postpartum and recovery stage. hugs mommy
Đọc thêmNung sa first baby ko,Baliktad naman situation natin mii. Ako I felt bad kase ni hindi manlng ako sinamahan sa first night namin ni baby ng mother ko,I felt na mag isa lng ako throughout this journey lalo na d rin naman rin affectionate which I really needed the most that time yung asawa ko. Yung hirap from the very last week before ako mag labor,I felt I was all alone and lonely till the first months of my newborn baby. Sana sa lahat ng husband, kahit simpleng appreciation lng sa mga mommy ng anak nila ipakita nila... We brought your child in this world,and its not easy..not as easy as to show some appreciation to your wife.
Đọc thêmHi mommy, gets ko yung nararamdaman mo kaya I didn't allow nung sinabi ng Ate ko na siya na mag-alaga kay baby since I'm working kase ayaw kong malayo ang loob sakin. Pero since iba yung reason mo, okay lang yan momsh. Very understandable. Focus on your healing and recovery para maalagaan mo na si baby. Bata pa yan, their usual reaction is mapalapit sa unang caregiver, maging sinuman man siya. You can also do the same once you're better. Kaya pa yan mahabol, basta consistent ka lang sa love mo sa kanya no matter what :) Mahigpit na yakap momsh
Đọc thêmpacheck ka mii baka may PPD ka. ang lumalabas kasi nagkakaron ka ng insecurities sa sarili mong nanay. ako wala akong care kahit mas malapit si baby sa parents ko o ni hubby. ksi parents din namin sila. ganun talaga. ang mga lolo at lola mas mahal ang apo. at ang apo mas malapit sa mga lolo at lola . and may edad na ba parents mo ? dadating ang time kahit ikaw di mo na sila makakasama. kaya habang nandiyan pa sila hayaan mo lang na makasama nila ang apo nila sayo. alam mo ba ang apo ang kaligayahan ng mga lolo at lola.
Đọc thêmIt's normal to feel that way momsh, huhupa din po yan. I felt that way too sa first born ko kasi 1st few weeks niya kinukuha sya ng mama ni partner ko sa gabi kasi doon pinapatulog sa kwarto nila since I'm healing, and I also overthink na baka mas ma attached si baby sa kanila hahahaha weird but I felt that. Pero nawala rin naman and thankful ako kasi super love nila yung first apo nila 🥰
Đọc thêmsa ngayon mommy magfocus ka po muna sa recovery mo. wag kang mag isip ng kung ano. napakaswerte mo po may magulang ka na pwedeng mag alaga sa baby mo. madami dito sa group. gustuhin man magpahinga wala magawa kasi wala na silang parents or malayo sila sa parents nila. enjoy mo lang ang paglaki ni baby mo. at pasalamat ka sa kadugo mo siya malapit hindi sa ibang tao.
Đọc thêmHi Mi! Anong heart problem mo po? Hope you get well soon! Don’t worry Mi, love ka ng baby mo, alam nyang ikaw ang Mommy nya. But now, you need to be healthy for your baby. Magpa galing ka, take care of yourself so that you can take care of your little one 💗 Your Mom is a blessing, she loves your child as much as she loves you.
Đọc thêmmommy, ganyan din ako sa first born ko. umiiyak si baby ko kapag ako ang nagkakarga. pero kapag karga ng lola, tumatahan. umiyak ako dahil bakit ganun, bakit ayaw nia sakin. pero nagbago din, after 1 month. kaya no worries po. pray for your fast recovery para you can take care of your baby.
Đọc thêmMadaming panahon pa para bumawi mamsh. Pray lang palagi! God bless you, your family and most specially your baby. ❤️
pano mo po nasabing hindi ka po naiintindihan ng fam mo kung wala ka pa po napagsasabihan sa kanila?
Preggy