14 Các câu trả lời

It was an accident, mommy, and we all make mistake. Ang importante sa ngayon ay safe naman si baby so imonitor mo lng sya as advised sa ER. It's no use blaming yourself now, we can only do better next time para maiwasan na. Hugs to you! Praying na totally fine na si baby mo... humanda ka dahil mas magiging malikot pa yan, pero as they grow older, lalo rin namang mas nadedevelop na ang bones and muscles nila to combat injuries. Hindi totally maiiwasan kasi it only takes 1 second for an accident to happen. Let's just thank God and our babies' guardian angels for looking after them *hugs*

thank you mommy ❤️❤️❤️

wala may gusto ng nangyari mommy, talagang nangyayari yan malingat ka lang ng onti may nangyari na hindi mo dapat sisihin sarili mo, accident po ang nangyari🤗 ganyan din nangyari sa baby ko nahulog naman sa kama sabi ng byenan ko sa ibang tao pinapabayaan ko daw ang baby ko kaya nalaglag daw sa kama, kahit ano gawin natin ingat sa mga anak natin kung talagang mabilis ang nangyari wala tayo magagawa, naiintindihan kita mommy kung pwede lang kahit lamok hindi natin ipadapo sa anak natin gagawim natin e. sending hugs mommy wala ka kasalanan🤗

ok lang yan mi..pagpray mo na macomfort ang kalooban mo..ok naman na si baby kaya wag mo na sisihin sarili mo..ang mahalaga ingatan nalang sa susunod..nagranasan ko din yan.pero salamaat sa Panginoo. ok naman baby ko..di rin makakatulong sayo kapag lagi mo sisihin sarili mo..part ng paging nanay natin na may time na di natin kontrol nangyayari.hayaan mo lang si hubby..defence mechanism nya lang magamit kasi feeling nya sya din may kasalanan..ingat😊😊

thank you Po mommy tin ❤️

nangyari din sakin to nasubsob baby ko sa walker niya grabe yung iyak niya, ako sobrang iyak ko din dahil first time na nasaktan siya ng ganun kami lang kaseng dalawa nun wala pa akong ulam tapos tanghali na gutom na gutom na ko kaya iniwan ko siya as in segundo lang pero ayun sobrang likot na kse niya di ko nman akalain na mangyari yun inisip ko nun sana pala tiniis ko nlng yung gutom ko kesa iwan ko siya 😥😥😥

big hugs mommy! ❤️ lahat tlaga siguro tayo dumadaan sa ganyang Bagay dahil Walang perpektong Ina may mga Bagay tlga na hndi ntin inaasahan, at deserve ntin alagaan Ang mga sarili ntin need ntin kumain para magkaron ng lakas dahil hndi lng din yun para satin kundi para din sa baby natin. kaya Ang hirap kapag Wala Kang kaagapay o Kasama sa pagbabantay sa baby. hndi mo alam kung paano mo gagawin lahat. 🥺❤️

Wag kna mag alala momsh ok naman na c baby. Intindihin mo nlng din asawa mo kaya sya nagalit kc nag aalala din yun sa anak nya d nya lng sinasabi. Wag mo din sisihin sarili mo. Lesson learned yun momsh next time sa lapag mo nlng linisan c baby kc talagang malikot cla malingat ka lang saglit. Ganyan din kc nangyari sa baby ko kumuha lng aq ng saging saglit ayun nahulog na. Importante ok na c baby 😊

Thankyou mamsh 🥺❤️

Sige mamsh paalaga mo sa asawa mo tingnan natin kung tatagal sya. 🙂 Wlaang may gusto ng nangyari at ang accident ay madalas hindi maiiwasan lalo na sa ganyang edad ng baby. Wag mo po sisihin ang sarili mo. hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan habang nag aalaga ng baby 🙂🙂 Ipagpasalamat nalang po natin na walang masamang nangyari sa kanya.

tama kapo Mii salamat poo gumaan Po Ang pakiramdam ko. 🥺🥺❤️❤️❤️

Halos lahat dadaan talaga sa ganyan mga hindi inaasahang pangyayari kahit anong ingat. 3 kidss here ☺️ kalma lang mi. Pero hindi cool ginawa ng hubby mo ha! Iniwan ka sa ere alam nya naman situation. Wala namang gusto may mangyari na ganun sa baby. Kairita sya 😤

VIP Member

power hug hopee your bsby is safe mi .. walng tatalo sa pagaalga nating mga nanay nko ako sobrang hands on ako sa ansknko dahil first born ko ito kaso na pabsyaan ko sarili ko.. na stroke ako Buti Malli n ito 3 yrs old daddy nya nagaalaga

lahat po tayo dumaranas ng ganyan na sitwasyon. aksidente po yon. kapag may ganyang cases imonitor nyo lang po si baby and wag papatulugin ng 1-2 hours. lagyan po ng yelo japag may bukol and kung magsuka sugod nyo agad sa ospital.

thank you Po nasugod Po nmin kagabi sa er dahil Po may bukol sya and na x-ray Po okay nmn Po Walang fracture na nangyari. hndi Rin Po sya nagsusuka pero minomonitor kopo sya hndi Ako makatulog mamsh nasstress Ako until now sinisisi ko Ang sarili ko, hayss pati gatas ko nangongonti pero diko maiwasan tlga mastress

VIP Member

Maaaa, di mo naman sinadya. Wag mo po sisihin sarili mo. Accidents happen. Be thankful nalang na walang nangyaring masama kay baby and ingat na lang po next time.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan