hello mga miii
Mga Mii, medyo bothered talaga ako sa nalaman ko na anak sa labas ni Mr. May naka one night stand Kasi sya Feb1, Yun Lang Yung first and last nila sa babae na Yun. After ilang months, tsaka Lang nag message si girl na preggy na sya and by October 13 nanganak na sya and ngayon nag hihinge sya Ng sustento and nananakot Ng demandahan. Pinag iiponan pa namin ni Mr. Yung pang DNA namin. Pero as of now nag bibigay muna Kami Ng needs Ng bata. need ko advice Sana, possible Kaya na sa MR. KO talaga Yun? #advicepls #pleasehelp Edited: May kalandian Kasi si girl before my man. And sa features Ng baby is much more similar sa guy than my hubby.
Relax lang po kayo. Kasal po ba kayo ni mister? If so pwede niyo po kasuhan ng unjust vexation ang babae. Also if babatayan ang date ng 1 night stand nila ni mister po, supposedly dapat Nov and kabuwanan niya at hindi Oct. so ref flag na po yun. Wag po kayo matakot na idedemanda si mister kasi wala naman siyang katibayan na si mister ang tatay ng dala dala niya. Wag rin kayo mag ipon ng pang DNA, kung gusto niya ng sustento at sure siya na si mister po ang tatay since 1 night stand lang po, di po kayo dapat ang mag pa DNA kundi yung nag rereklamo po. Wag po kayo madalos dalos, kasalanan ng babae yan bumukaka siya. Wag rin kayo mag bigay ng kahit na ano hanggat di sure na si mister nga ang tatay, idaan lahat sa legality. Higit sa lahat wag pipirma si mister sa BC ng bata kasi parang inako na nga niya talaga at sure na sure na kanya nga ang bata. Wag po matakot sa reklamo, mainam po yun para di puro here say lang. Suportahan mo si mister mo, dapat maging honest din si mister mo sayo para alam mo kung paano mo siya ipagtatanggol.
Đọc thêmnakapanood ako ng gantong scenario sa Raffy Tulfo in Action, and based sa naging resolution nila don, kelangan magsustento nung itinuturong ama, since hindi pa maDNA. Pag lumabas sa DNA na hindi sa kanya, saka lang sya magstop mag sustento. Kung sya man ang kineclaim na father which is possible naman talaga kahit pa one night stand lang yon, I think magsustento po dapat ung mister nyo. The right thing to do is sustentuhan nya ung bata dahil dalawa naman silang gumawa non, regardless if doubtful ung mister mo o hindi. DNA is the key but until maipaDNA ung bata, magsusustento po sya. Un ung nakita ko and ang dami na rin gantong cases sa Raffy Tulfo. Hindi ko po alam ang batas, I'm just sharing ung resolution ng mga gantong case sa nasabing show. 🥰
Đọc thêmhonestly it's unfair if the baby is not your husbands pero mag sustento kayo. Make kasulatan na if the baby is not his after the DNA test, ibalik nila yung pera kasi nang loko siya, not only that she bothered you both, she caused you stress. Nanggulo lang siya para perahan Asawa mo. Every mom knows who the father of their baby is. Unless she belongs to the streets and sleeping around is her job or her hobby.
Đọc thêmKung aminado po si hubby nyo na may nangyari sa kanila, at wala po kayong ibang proof or evidence to suggest na maaaring iba ang ama ng bata, then unless magpa-DNA kayo to prove otherwise, most likely ay papanigan ng batas yung babae at kailangan magbigay ng sustento. RA 9262 po most likely ang pwede maging kaso. To better know your options, it's best to consult po with PAO.
Đọc thêmkung pagbatayan sa last regla nung nanay for sure mid january yun, since feb 1 sila nagkaron ng sex. kung bibilangin kasi pasok yun sa october na due date kaya possibleng sa asawa mo or hindi kasi di mo rin alam kung asawa mo lang ba yung nakasex nya that month or meron pang iba. tanging dna testing na lang po yan.
Đọc thêmpossible...pero para maliwanagan po kayo much better na mag pa DNA po kayo.... kasi dimo din alam history ng girl...mnaigurado po muna kayo.saka na kayo magsustento pag cguradong sa kanya..
DNA lang makakasagot niyan,for the mean time dapat di muna kayo nagbibigay ng sustento hanggat di pa nkakapag-DNA kase lugi kayo niyan. Malay niyo di lang Mr. mo ang nka-1night stand nung babae.
Dapat d muna kayo magbgay ng sustento wla naman silang patunay kung anak tlga ng asawa mo yung bata,Mag provide muna sila ng proof as in DNA RESULT.
mi bilangin mopo kung feb sa knla my. ngyare dpat po november sya aanak kung october po due nya edi january po my ngyare sa knla
Pwedeng pwede, kung premiee o saktong 37 weeks ang bata nung pnanganak.