Kelan dapat mag diet
Mga mii, ilang weeks or months ba dapat mag diet ang isang buntis? I'm currently 22 weeks and sobrang laki na ng tummy ko. Kambal din po Kasi baby ko.
Mag-diet ka kung sinabihan ka ng OB mo,syempre malaki tiyan mo kase dalawa nasa loob. Tsaka 22 weeks ka palang,di pa fully developed twins mo. Need nila ng nutrients kase nag-aagawan yan sa pagkuha ng nutrients at vitamins mula sayo. Kumain ka lang wag ka magpigil. Iwasan mo lang yung sobrang pagkain ng matatamis at maalat,pati na din fatty foods.
Đọc thêmExpected po talagang malaki tiyan mo kasi twins yan compared to isaang baby. No need to diet just eat the right food and balance lang, lessen sweets/sugar at salty. Kung may monthly check ka sa OB check mo po ang timbang ng babies if nasa average or sobra2.. Sasabihin din nman ng OB na mgdiet if needed talaga or prone to gestational diabetes ka.
Đọc thêmActually mi hindi nasusukat sa laki ng tummy or timbang mo yung laki ni baby. kasi ako ang laki ng tyan ko and from 52kilos. 69kilos na ako yet kulang sa timbang si baby. Huwag ka po mag overthink. i aadvise ni OB if need na mag diet
Đọc thêmkung advise ng OB ay magbawas ng kain, tsaka nio lang gawin. since kambal ang pinagbubuntis nio, talaga pong malaki ang tummy. ang need po ay balanced diet. umiwas sa matatamis at maaalat. need ng nutrients ng baby lalo na kung 2 sila.
Mas dapat kang ma worried if ang liit ng tiyan mo eh kambal naman pala anak mo. Naku naman mamsh
pag sinabi po ni ob mo.