Acid Reflux + Heartburn
Hi mga mii! Ask lang sino ung same case sakin na halos araw araw masakit sikmura at hinaheartburn pa! 🥺 Baka meron kayo alam na solution na pwede kahit papano maibsan ung pananakit niya. 11 weeks preggy po ako.
gaviscon reseta sakin pero pinapalitan ko ng kremil s advance kasi un na ung iniinom ko dati pa. may gerd/acid reflux na kasi ako before pa ko mapreggy. pero iniinom ko lng sya pag d ko na kaya tlga and make sure consult your OB muna bago ka uminom ng kahit anong gamot. other remedies ko banana, marshmallow, warm water. and change sa lifestyle tlga. marami bawal na food lalo na ung nakakapagpatrigger sa acid mo. sa case ko coffee. kaya matagal ko na tinigil ang coffee. pero nung napreggy ako inaatake ako kahit d naman ako umiinom ng coffee. kaya pati ung ibang trigger stop na rin ako like tomato, spicy and oily food. before ka kumain isearch mo muna if ung food is acidic, iwas ka muna dun. tapos sa pagtulog mo dpat naka elevate ung upper body mo and sleep on your left side. remember din bawal ka magutom at bawal ka mabusog so eat small meals every 2hrs. yan ang ginagawa ko. iwasan mo na rin kumain 3hrs before ka matulog. and pinaka important don't panic kapag halimbawa di ka makahinga, relax ka lang and pray. stay healthy momsh. God bless.
Đọc thêmI monitor mo muna mommy Ang mga kinakain mo, kung ano ano ba makakapag cause ng acid reflux mo. Ako nun mga oily food kagaya ng Mani na nabibili sa kanto. Spicy food. kaya iniwasan ko siya. Tas sa Gabi kunti lang kinakain ko mga 7pm or 8pm nakakain ka na dapat. Wag ka muna hihiga pagka kain. Pag nagutom ka naman inom kana lang gatas or Milo. And pag inatake Kapa din inom ka lang maligamgam na tubig taasan mo Ang unan mo humiga ka pasandal.
Đọc thêmgaviscon reseta sakin, but actually, dati pa may acid reflux/gerd nako, natrigger lang since napreggy ako. ang reseta ng internal med for gerd/acid ay algina. which is effective talaga. gaviscon di naman nakakawala like pano makaalis si algina. but consult OB first if pwede sayo algina. 😊 if ayaw maggamot try yung no sugar mallows and crackers. wag mag iinom ng cold water and maacid na pagkain.
Đọc thêmcommon na po sa buntis ang heartburn, naisusumpa ko talaga yon nung buntis ako sa 2 kids ko. sabi lang po sakin more water, avoid oily & spicy foods. pati sa pineapple nagttrigger din sakin non. and pag yung sobrang busog ako. kaya monitor din po sa kinakain, wala po akong nainom na mga gamot o pampakalma ng heartburn kasi wala naman din nirereseta sakin, puro water intake lang daw po.
Đọc thêmnormal palang po yan mi ganyan talaga pag nasa stage ka palang ng paglilihi mo aabot yan hanggang 3 months hindi kasi lahat ng buntis pare pareho meron kasi yung ibang naglilihi normal lang sila pero karamihan talaga ngaun maselan sa paglilihi lalo na sa mga kinakain
ako rin masakit sikmura ko at heartburn tuwing gabi halos 3days na ganito ako gabi-gabi sumusuka ako halos hindi ako makakain sa gabi pero sa umaga at hapon ok naman ako nakakakain naman pero pag gabi suffering talaga..11weeks and 2days na din ako pregnant😢
ganyan ako nung 1st trimester ko mi, halos buong araw ako sumusuka at inaatake ng heartburn hanggang sa nagpaospital na ako. tinurukan ako ng pampawala ng sakit ng sikmura at pagsusuka tpos niresetahan ako ng para sa heartburn.
masakit po tlg yan ... acete de manzanilla po...warm water...left side sleep...then marshmallow po...para umikot si baby di nia naiipit yung gastric nio or lungs...pag sweet daw po kasi kumakalma ang baby...then breathing exercise din.
if u dont mind lang poh, sikmura poh ba ay tiyan??sa akin din poh masakit din poh tiyan ko lalo na mabusog ako maxado at ma late ako kain gasakit ang tiyan ko di ba to ulcer ngaun lng din to pagbuntis ko naga.acid reflux minsan lng. .
parang maaga ka mi makaramdam ng heartburn ako nung pa3rd trimester ko naramdaman yan.. best way para di ka uminum ng gamot is kain ka ng yogurt or probiotics araw araw like yakult or delight iwas ka sa juice like c2 lalo sa soda
Yess mii, before mag 2 months ako ganito na feelings ko 🥺
Gaviscon nireseta sakin ni OB during my 1st tri na sobrang lala ng acid at suka ko.. pacheck ka ke ob para sure yung pwede sayo at sa case mo. may duration lang din at instructions sa oag inom.