Although elders will disagree, better po sa health ni baby if maghintay ng 6months before introducing solid foods. Sa ganito, maiiwasan rin po ang diarrhea at kung anu-anong sakit dahil at 6 months, mas developed na ang internal organs ni baby and immune system thus better equipped to fight off ang mga sakit na pwede makuha sa pagkain.
Isipin nyo, sa pagtitimpla ng formula milk kailangan sterilized lahat-- water, bottle, malinis na kamay, etc. Kasi kailangan sigurado na walang contamination or any germs/ bacteria na maingest si baby. Kaya risky pa po ang pagintroduce ng solid foods before 6 months ☺️ There are more risks and hardly any benefits ng pagbibigay ng solid foods earlier than 6 months, so better to wait na lang po ☺️