2 months old baby. napaka iyakin

Mga mii 2 months na si baby ko nung december 8. Sobra po niyang iyakin. Ano po pwede kong gawin para mabawasan pagiging iyakin niya. Ultimo pag gising ng umaga 7 am iiyak. Pag papadedehin ko po lagi naman hinihila yung dede ko.breastfeed po ako. Tapos pag dating po ng hapon hirap na niya patulugin puro iyak na lang siya. Pati ako umiiyak na dahil sa sobrang pagod. Tapos puyat pa. Lagi na lang sayaw tapos iyak. Ano po pwedeng gawin mga mii.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nasa growth spurt po si baby kaya need ng more patience talaga mhie tatagan nyo lng mhie malalagpasan nyo din yan sobrang hirap talaga ng new born stage pero mabilis lng sila lumaki kaya need din natin treasure na ganyan pa stage nila mhie....kaya mo yan tatagan mo lng🤗🤗baby lng po sila need talaga nila tayo since di nila kaya ang sarili nila

Đọc thêm
12mo trước

Hanggang 3 months po need ni daddy mya kausapin sya pag hawak para po malaman ni baby na daddy nya po yun wag lng hawak gagawin nya din nya din italk si baby or check nyo din po kung kinakabag si baby na nagcacause ng pagiyak iyak nya kasi meron po talaga ding colic baby

baka masakit po tyan nya mii pagkahapon dapat nakapagpalit na sila ng pantulog at andun na sa loob ng bahay. pag naman po di pa rin tumitigil nagpapakarga sya maliit pa kasi sila at gusto nila lagi mo sila hinahawakan. isipin nalang na pagtungtung nila ng 1 yr old di na sila ganyan. tiis lang lilipas din naman. kasu ung ngalay is real talaga 😅

Đọc thêm
12mo trước

thankyou po. kaya nga mii pagod at ngalay lang talaga sa pagbuhat